"Hey, Garreth," bati niya sa pinsan. May sama pa siya ng loob sa pinsan. Dahil alam na nito kung nasaan si Olivia hindi pa nito sinabi sa kanya at hinayaan mag-isa si Olivia sa VincElla Hotel. Kung sa bagay ano pa nga ba ang aasahan niya kay Garreth noon pa man ay ganito na ito sa kanya. "Ano na naman iyang ginagawa mo kay Via" May galit pang tanong ni Garreth sa kanya. Pinagpasalamat niyang nabaling na sa iba ang atensyon ng mga reporter na naroon at cameraman. Pati si Olivia napalayo na rin sa kanya, dahil kailangan pa niyang harapin si Garreth. "Wala akong ginagawa kay Olivia, pinakikilala ko lang siya sa mga taga media," he answered with confidence. "Fiance?" Kunot noong tanong nito. "Yes, Garreth, fiance. Anyway umattend ka na lang mamaya para malaman mo ang sagot sa mga tanong m