Kinagabihan nagtungo muna siya sa bahay ng grandparents ni Olivia para sunduin ang dalaga. Sa bahay pa rin ng grandparents nito ito nakatira pero sabi ni Mr. Santillan lilipat na rin daw si Olivia sa condo nito next week. Nakangiti sina Mr. Santillan at asawa nito nang salubungin siya. Nakabihis na rin ang mga ito para umattend din sa ospital. "Ngayon palang Gideon nais na kitang i congrats, you deserve it hijo," Mr. Santillan said. "Salamat po, Mr. Santillan," pasalamat niya. Si Mr. Santillan ang nagtulak sa kanya para pagbutihin ang sarili at maging karapat-dapat sa posisyon sa ospital. At si Olivia naman ang inspirasyon niya, dahil kay Olivia ninais niyang maging mabuting tao, at nagawan na niya. Napagtagumpayan niya. "Maya-maya lang bababa na rin si Olivia," magiliw na sabi ni Mrs.