Sinadya niyang puntahan si Emma sa apartment nito, para makausap tungkol sa mga sinasabi nitong ebidensya na meron ito para mapatunayan na may agenda si Olivia sa pagpapakasal nito sa kanya. Masama man sa loob niya nagawa niyang magsinungaling sa asawa at iwan ito mag isa sa bahay nila. Wala siyang urgent meeting, sadyang nais lang niyang makipagkita kay Emma at makausap ito tungkol sa asawa niya. "I knew it, hindi mo patatagalin ang hindi mo ko puntahan," bungad ni Emma sa kanya. Tumango lang siya sa babae. Pinapasok naman siya ni Emma sa katamtamang laki ng apartment nito. Noon pa man ay dito na sa apartment na ito nakatira si Emma. Kabisado na niya ang loob ng apartment na ni Emma, noong kabataan niya sa tuwing nais niyang makarating ang langit ng walang kahirap-hirap si Emma ang tak

