Gideon-3

1607 Words
Matapos ang unang klase nila, sabay silang lumabas ng classroom. Pansin niya, halos lahat ng babae dumidikit sa lalaking tinatawag nilang Gideon. Well, gwapo naman talaga ito. Matangkad, may pagka-mysterious ang looks, at sobrang lakas ng appeal. Hindi nga niya naiwasang sulyapan ito nang ilang beses. “Damn,” bulong niyang mura nang biglang magtama ang mga mata nila ni Gideon. Nahuli tuloy siya nitong nakatingin. Mabilis siyang nag-iwas at nagmamadaling lumakad palayo. Sa sobrang pagmamadali, nabunggo niya ang isang lalaki at napaupo siya sa sahig. “Oh! I’m sorry. Are you okay?” tanong ng lalaking nabunggo niya. Akmang tutulungan na siya nitong tumayo nang may lumapit at maunahan ito. “Ah?” tanga niyang napanganga nang makilala ang lalaking nasa harapan niya. Si Gideon. Iniaabot nito ang kamay sa kanya at nakatitig sa mga mata niya. Pakiramdam niya, sila lang ang tao sa paligid. Naramdaman niya ang pagkabog ng dibdib niya habang nakatitig sa gwapong lalaki. Marami na siyang nakilalang gwapo, pero wala pa yatang nagpakaba sa kanya nang ganito. “Are you okay?” tanong nito sa baritonong boses. Lalaking-lalaki. Nanonoot sa dibdib. Hindi siya nakasagot. Tumango lang siya. Tinulungan siya nitong tumayo. Halos hindi siya huminga nang hawakan nito ang kamay niya. “Sa... salamat,” utal niyang pasasalamat nang bitiwan na siya nito. “Next time, mag-iingat ka,” sabi ni Gideon sa lalaking nakabunggo sa kanya. Agad namang humingi ng paumanhin ang lalaki saka mabilis na umalis na parang takot na takot kay Gideon. “Are you a newbie here?” tanong nito sa kanya. “Yes,” sagot niya. “I’m Gideon Saavedra,” pakilala nito. “I’m Olivia Sebastian,” sagot niya. “Olivia Sebastian?” inulit nito. Tila nag-isip pa. Kakaiba ang pakiramdam niya sa simpleng pagbigkas lang nito ng pangalan niya. “Sounds familiar,” sabi pa nito. Pamilyar din sa kanya ang apelyidong Saavedra. Hindi lang niya matandaan kung saan. “Anyway, welcome to our school, Colegio de San Sebastian,” sabi nito na walang ngiti sa labi. Seryoso talaga ang mukha. “Thank you,” tugon niya. “Olivia Sebastian,” muli nitong banggit sa pangalan niya. Napalunok siya. Kinabahan na naman siya. “Hey, Gideon! Let’s go!” sigaw ng isang lalaking kaibigan nito. “Yeah, I’m coming,” sagot nito pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o gagawin. “See you around, Olivia,” sabi nito bago tuluyang lumayo kasama ang tatlo pang kaibigan. Wala sa sariling sinundan niya ng tingin ang grupo nila. Nang biglang lumingon si Gideon at magtama ulit ang mga mata nila. Mabilis siyang nag-iwas at tumalikod para hindi na ito makita. “Hi,” gulat niyang napalingon. Tatlong magagandang babae ang nasa harapan niya. Ang nasa gitna ang bumati. Walang ngiti. Ganoon din ang dalawang kasama nito. “You are?” taas-kilay na tanong ng babae sa gitna. Maganda ito. Maikli ang buhok na bagay sa maliit nitong mukha. Makapal lang ang make-up. Pero pumapasa talaga itong _Miss Mean Girl_ ng school, kasama ang dalawa niyang sidekick. “Olivia,” maikli niyang sagot. Naiinis na siya sa pagtaas-kilay nito. Mukhang sinundan pa rin siya ng mga _mean girls_. Umalis siya ng San Rafael para iwasan sila, pero meron din pala dito sa San Sebastian. Ignore. Iyon ang rule number one niya. “I’m Veronica Sanchez. Shareholder ang Daddy ko dito sa school. And they are my friends, Tami and Nina,” pakilala nito habang mas lalong nagtataas ng kilay. Alam niyang hindi ito nakikipagkaibigan. May pakay ito. “Yung kausap mo kanina, si Gideon Saavedra ‘yon. Anak siya ni Mr. Gael Saavedra. Bunsong kapatid siya ni Mr. Gavin Saavedra, ang CEO dito sa Colegio de San Sebastian,” litanya nito. Kaya pala pamilyar sa kanya ang Saavedra. Sila pala ang may-ari ng school. Hindi niya alam kung saan patungo ang sinasabi nito. Pero nakinig lang siya habang pinag-aaralan ang kilos nito. Type ni Veronica yung mga taong natatakot, naiinggit, at competitive. Walang pinagkaiba sa mga “kaibigan” niyang nagtraydor sa kanya sa Sullivan University. “Kung gusto mong makagraduate nang maayos dito, iwasan mo si Gideon,” sabi pa nito. “Okay,” tanging sagot niya. Sa ngayon, hindi muna niya ito papatulan. Unang araw pa lang niya. Baka ibalik pa siya ng Lolo niya sa San Rafael kung gagawa siya ng gulo. “Good,” taas-kilay na sabi pa nito bago siya lagpasan kasama ang dalawang sidekick. “_B_tch_,” bulong niya habang iniiling ang ulo. Alam niya kung paano harapin ang mga babaeng ganyan. Sadyang hindi lang ngayon. Gusto niya ng bagong buhay. Tahimik lang. Makakagraduate siya ng high school nang walang problema. Alas-kwatro na nang matapos ang klase niya. Kaklase niya pala ang tatlong _mean girls_ at si Gideon Saavedra. Mukhang trouble talaga kung madidikit siya rito. Habang naglalakad sa hallway, magkakasama ang mga _mean girls_ at ang grupo ni Gideon. Nagtatawanan at maingay sa buong hallway. Siguro walang sumasaway dahil may posisyon sa school ang mga pamilya nila. Napansin niyang nakatingin sa kanya si Gideon. Kaya binilisan niya ang lakad para makaiwas. Baka mapagtripan pa siya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang tuluyan na siyang makalayo. Wala pa siyang nakikilalang matino sa mga kaklase. Mag-isa pa rin siya. Pero first day pa lang naman. Baka bukas may makilala na siya. Nagulat siya nang pagsundo sa kanya ni Mang Lito, may kasama itong babae na nagpakilalang secretary ng Lolo niya. Pinapasama daw ito para samahan siyang bumili ng eleganteng dress para sa birthday party na pupuntahan nila. Wala pang nabanggit sa kanya ang Lolo at Lola niya. Baka nakalimutan lang dahil busy. “Sino na ang may birthday at bakit kailangan ko pang magsuot ng elegante?” tanong niya nang makasakay sa kotse. Sa passenger seat umupo ang secretary. “Birthday po ni Mr. Gabriel Saavedra ngayon. May malaking party po sa Saavedra Hotel,” tugon nito. “Saavedra?” kunot-noo niyang tanong. Related kaya ito kay Gideon Saavedra? “Yes po, Miss Via. Si Mr. Gabriel Saavedra po. Malapit na kaibigan ng Lolo niyo,” paliwanag nito. “I see. Do you know who Gideon Saavedra is?” tanong niya. Kung kaibigan ng Lolo niya ang mga Saavedra, dapat kilala rin nito si Gideon. “Si Mr. Gideon Saavedra po ang panganay na anak nina Mr. Gael at Mrs. Anya Saavedra. Si Mr. Gael naman po ang bunsong anak ni Mr. Gabriel Saavedra,” sagot ng secretary. Kaya pala pamilyar. _Small world_ nga para sa kanila ni Gideon. Tiyak na magkikita sila mamaya sa birthday party ng Lolo nito. Baka magulat pa ito pag nakita siya. Napangiti siya. Bigla siyang na-excite sa party. Pagdating sa mall, nakasunod sa kanya ang secretary at si Mang Lito. Para siyang may bodyguard. Sinubukan niyang sabihing hintayin na lang siya para hindi siya sundan, pero ayaw ng mga ito. Utos daw kasi ng Lolo niya. Isang mamahaling evening dress ang napili niya. Elegante, gaya ng gusto ng Lolo niya. Sinamantala na rin niya. Dahil ang Lolo naman ang magbabayad, binili na rin niya lahat ng gusto at kakailanganin niya para sa party. Pag-uwi nila, sinalubong siya ng Lola niya. Kahit may edad na, maganda pa rin at sobrang donya ang dating. “How’s your first day of school, Via?” tanong nito. “Okay naman po, Lola,” sagot niya sabay halik sa pisngi. “Halika sa komedor. Ipaghahanda kita ng meryenda,” yaya nito matapos makaalis ang secretary at maihatid ni Mang Lito ang mga pinamili niya. Sumunod siya kahit busog pa. Gusto niyang magtanong tungkol sa mga Saavedra. Lalo na kay Gideon. “Tikman mo ito. Banana cake. Ako ang nag-bake,” sabi ng Lola niya habang hinahain ang pagkain. “Wow,” bulalas niya. “Paborito ‘yan ng Mommy mo,” pagmamalaki pa ng Lola niya. Pihikan siya sa pagkain kaya payat siya. Pero mukhang magugustuhan niya ang luto ng Lola niya. “Lola, sino po ang may birthday mamaya?” tanong niya habang kumakain. “Si Gabriel Saavedra. Kasosyo ng Lolo mo sa negosyo at matalik na kaibigan,” sagot nito. Tumango siya. “Ang mga Saavedra ang pinakamayaman dito sa San Sebastian. Halos lahat ng nakikita mo, sila ang may-ari,” dagdag pa ng Lola niya. “Ang yaman po pala nila,” komento niya. “Anak ni Gabriel ang kasosyo ng Tito Dylan mo sa Saavedra Santillan Hospital. Si Gael Saavedra,” patuloy pa nito. Medyo nalilito siya sa dami ng magkakapangalan. “Lola, may classmate po ako. Gideon Saavedra ang pangalan,” kunwari niyang kwento para hindi mahalata. “Gideon Saavedra?” inulit nito. “Sa pagkakaalam ko, anak siya ni Gael,” sagot ng Lola niya. Tugma sa sinabi ng secretary kanina. “Nagkakilala na ba kayo?” tanong ng Lola niya. “Kanina po. Nagpakilala siya sa akin,” sagot niya habang kumakain. “Well, mabait naman daw ‘yang si Gideon. Iyon nga lang, medyo sakit sa ulo ng mga magulang. Pasaway at pala-barkada,” sabi pa ng Lola niya. Ganoon din ang pakiramdam niya kanina. Lalo na’t kasama pa nito ang mga _mean girls_. “Baka mamaya sa birthday party ng Lolo niya, makikita mo ‘yung batang ‘yon,” sabi pa nito. Tumango lang siya. Tiyak na makikita siya ni Gideon mamaya. Baka magulat pa ito. Kaya nga siya narito sa San Sebastian. Gusto niyang magsimula muli at umiwas sa mga lalaking katulad ni Gideon Saavedra. Pero bakit parang interesado na siya agad dito? Kanina pa lang nila nagkakilala. Baka sumablay na naman siya at hindi makagraduate kung madidikit siya kay Gideon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD