Gideon-4

874 Words
Pagdating sa party, namangha siya sa ganda ng pagkakaayos ng buong paligid. Pansin niya rin na hindi ganoon karami ang tao. Tila lahat ng imbitado ay mga mayayaman lang sa San Sebastian. Kung sa bagay, sabi nga ng Lolo niya, ang mga Saavedra ang pinakamayaman sa bayan. “Are you okay, hija?” tanong ng Lola niya nang mapansin ang pananahimik niya. Wala ang Lolo niya sa mesa. Nagtungo ito sa mga kaedaran at mukhang enjoy na enjoy sa pakikipagkwentuhan. Naiwan sila ng Lola niya. “Opo, Lola,” sagot niya sabay pilit na ngiti. “Hindi ka yata nag-eenjoy,” pansin pa nito. “Hindi naman po sa ganoon, Lola,” sagot niya. “Amiga, Santillan,” bati ng isang magandang babae na lumapit sa mesa nila. Agad siyang pinakilala ng Lola niya. Magalang naman siyang bumati. Pagkatapos, nagpaalam ang Lola niya na sasamahan muna ang amiga nito. Kaya naiwan siyang mag-isa sa mesa. Nagbuga siya ng hangin at inikot ang paningin. Karamihan sa mga naroon ay may edad na. “Where is Gideon?” bulong niya sa sarili. Kaya nga siya sumama. Para sana makita at makilala pa si Gideon Saavedra na mukhang kilalang-kilala sa buong eskwelahan. Napasimangot siya at tumayo. Inayos niya ang evening dress na binili ng Lola niya, saka naglakad-lakad. Nakita niya ang isang waiter na nag-aalok ng alak. Mapait siyang napangiti. Sinumpa na niya ang alak. Kailanman ay hindi na siya iinom pa. Dahil hindi na niya hahayaan pang maulit ang nangyari noon. Habang naglalakad, namamangha siya sa karangyaan ng paligid. Halatang ginastusan. Nagsusumigaw ang yaman. Hanggang sa dinala siya ng mga paa sa isang nakasaradong pinto. Liningon niya muna ang paligid kung may nakatingin. Nais lang niyang maupo sa tahimik at walang ingay. Dala naman niya ang cellphone. Pwede siyang magbasa habang hinihintay matapos ang party. Hindi naman boring ang party. Gusto lang niyang umiwas sa maraming tao, sa ingay at ilaw. Pagpasok niya, napangiti siya nang makakita ng sofa. “Buti na lang,” bulong niya. Akmang uupo na siya nang makarinig ng kaluskos sa loob. Kumunot ang noo niya. Patuloy ang kaluskos. Tila hinihingal na tao. Dahan-dahan siyang lumapit para sundan ang ingay. Hindi lang pala siya ang tao sa loob. “Aaahhh… ahhh…” Umuungol. Hinihingal. Papalapit nang papalapit. Hindi siya tumigil hanggang sa makita niya ang dalawang bulto na nakadikit sa pader. Napatakip siya sa bibig. Isang malapad na katawan ng lalaki ang tumatakip sa isang babae. Naghahalikan sila. Una siyang napansin ng babae. Agad nitong itinulak ang lalaki at inayos ang dress nitong halos mahubad na. Nanlalaki ang mga mata ng babae habang nakatingin sa kanya. “Why?” tanong ng lalaki na hindi pa rin lumingon. “May tao,” sagot ng babae. Masama ang tingin nito sa kanya. Itinulak pa nito muli ang lalaki at lumapit sa kanya. “Who are you?” tanong ng babae. Nasa thirty pataas na ito. “Ah…” tanging nasabi niya. Nanlaki ang mga mata niya nang lumingon ang lalaki. Hindi siya makapaniwala. “Gideon,” mahina niyang anas. Lumalim ang kunot sa noo nito. “I have to go, Gideon,” sabi ng babae at nagmamadaling umalis. “Emma, wait,” pigil ni Gideon. Hinabol nito ang babae. Sa pagmamadali, bumunggo ito sa kanya. Nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig. “Aray!” sigaw niya sa sakit. “What the hell are you doing here, Olivia?!” sita nito. Hindi na nito hinabol si Emma. Nakatayo lang ito sa harapan niya at nakatunghay. Napansin niyang tinawag siyang _Olivia_ ni Gideon. Tanda pa rin pala nito ang buong pangalan niya. “Pwede ba, tulungan mo muna akong makatayo!” asik niya. “Come here,” sabi nito at iniaabot ang kamay. Naramdaman niya ang mainit na palad ni Gideon. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya. Kaya nang makatayo na siya, agad niyang binawi ang kamay at umatras ng isang hakbang. “Okay. Olivia, what are you doing here?” kunot-noo nitong tanong. Nailang siya sa pagbanggit nito sa pangalan niya. Walang tumatawag sa kanya ng _Olivia_. _Via_ lang. Pero kakaiba ang tono ni Gideon. Naghatid ito ng kakaibang kilabot sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at pumikit saglit bago muling tumingin dito. Naka-coat and tie ito. Formal na formal. At iisa lang ang masasabi niya. Napakagwapo nito. Mas gwapo pa pala ito kapag naka-formal. Hindi mukhang bad boy. “Naghahanap lang ako ng tahimik na space. Kaya ako napadpad dito,” amin niya. Hindi pa rin inaalis ni Gideon ang tingin sa kanya. “I mean… what are you doing here? Sa party ni Lolo?” tanong nito. Hindi pa nga pala siya kilala ni Gideon. Kaya nagtataka ito kung bakit siya naroon. “Sinama ako ng grandparents ko. Kaibigan yata sila ng Lolo mo,” sagot niya. “I see,” tanging sabi nito at tumango. Nais sana niyang itanong kung ano ang ginagawa nito kanina sa loob. Pero alam na niya ang sagot. Nasa silid ito kasama ang babaeng doble ang edad niya para… magparaos. Hindi siya makapaniwala. Papatol pala si Gideon sa mas matanda. “Tara na sa labas. Baka may makapansin na wala tayo,” aya nito. “Sige,” tango na lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD