Gideon-5

1604 Words
"What’s wrong?” nagtataka niyang tanong nang marinig niyang nagmura si Gideon habang hawak ang doorknob. “Lock,” tugon nito at inikot ang mga mata. “What do you mean?” Lumapit siya sa pinto at sinubukan din itong buksan. Ayaw talaga. Naka-lock sa labas. “Naka-lock!” sigaw niya habang nanlalaki ang mga mata at tumingin kay Gideon. Wala siyang nakitang pangamba sa mga mata nito. Kalma lang itong nakatingin sa kanya. “Gumawa ka ng paraan para makalabas tayo rito, Gideon! Baka hinahanap na ako nina Lola!” tarantang sabi niya. Hindi pwedeng malaman ng iba na nai-lock siya sa silid na ito kasama si Gideon. Pangit na ang reputasyon niya sa San Rafael. Kaya nga siya napadpad dito sa San Sebastian. At kung malaman ng iba na magkasama sila sa isang silid, tiyak na iisipin na naman nila na masama siyang babae. “Damn,” napamura na rin siya habang pinipilit buksan ang pinto. “Pwede ba, calm down,” sabi ni Gideon. “I need to get out of here now!” hysterical na sabi niya. Wala siyang kasalanan noon. Na-set up lang siya. Pero sino maniniwala? May video pa sila. At kung malaman ng iba na magkasama sila ngayon, lalo lang siyang pag-iisipan ng masama. “Relax, okay? Tatawagan ko ang pinsan ko para mabuksan ang pinto. Maupo ka muna at mag-relax diyan,” sabi ni Gideon. “Bilisan mo na,” utos niya. Umupo siya sa sofa at nanatiling nakatitig dito habang nagda-dial ito. “Walang duda na ‘yung babaeng kasama mo kanina ang nag-lock ng pintong ito,” sabi niya at inikot ang mga mata. Kung bakit pa kasi siya pumasok dito. Ayan tuloy, malalagay na naman siya sa kahihiyan. “Bakit naman gagawin ‘yon ni Emma?” tanong ni Gideon habang kausap sa cellphone. “I don’t know. Maybe she’s a b_tch!” mariin niyang sagot. Unang kita pa lang niya kanina, alam na niyang mean girl ito. May tinatagong kasamaan. Tsaka halata namang hindi na ito teenager. Nasa 30s na. Kaya walang pakialam kung ano man ang gawin nila ni Gideon. “Watch your mouth, young lady,” seryosong sabi ni Gideon. Bumuntong-hininga na lang siya at isinandal ang likod sa sofa. Obvious na ipinagtatanggol ni Gideon ang babae. Hindi pa rin siya makapaniwala na papatol ito sa mas matanda. Well, ganyan naman yata ang mga lalaki. Mas madali nilang mapa-oo ang mga babaeng may edad. Pero turn off pa rin sa kanya. Tumahimik na lang siya at nagbasa sa cellphone. Marami siyang naka-save na pwedeng basahin. Wala na siyang social media ngayon. Dahil sa nangyari sa kanya sa San Rafael. Mas okay na ‘yon kaysa makakita siya ng kung ano-anong post. “Yeah, pumunta ka na dito ngayon din, Garreth,” narinig niyang sabi ni Gideon sa kausap. “May magbubukas na ba ng pinto?” tanong niya pagkababa nito. “Yeah. My cousin, Garreth,” sagot nito. “That’s good news,” sabi niya at bumalik sa pagbabasa. Napansin niyang lumapit si Gideon at naupo sa tabi niya. Makulit ang tingin nito. Kaya umusog siya palayo. “Why? Ayaw mo bang makatabi ang isang Saavedra?” mayabang na tanong nito. Wala naman siyang ideya kung sino talaga ang mga Saavedra. Basta ang alam niya, mayaman sila. Mas mayaman pa sa kanila. Pero mayaman din naman siya. Kaya mataas din ang tingin niya sa sarili. Inikot niya lang ang mga mata at binalik ang atensyon sa cellphone. “Boring,” bulong ni Gideon. Binalewala niya lang. Baka mapatulan pa niya ito. “Olivia, why don’t you tell me about yourself habang naghihintay tayo?” sabi nito. Sinulyapan niya ito. Ilang pulgada lang ang layo nila. At ngayon lang niya napansin. Hindi lang gwapo si Gideon. Makinis ang mukha nito. Sa edad nilang seventeen, wala pa itong tigyawat. Parang alagang derma. May tumutubo na rin itong bigote at balbas. Bibihira sa edad nila. Pero mas lalong nagpagwapo dito. Mas lalong lumakas ang appeal. “I have nothing to tell,” mataray niyang sagot at nagtaas ng kilay. Kailangan niyang magtaray. Baka mamaya ma-attract pa siya kay Gideon. Mukha namang wala itong pinagkaiba kay Basty. Mahilig sa babae. Gulo lang ang idudulot nito. Narito siya sa San Sebastian hindi para sa bagong problema. Para makalimot siya sa eskandalo niya. “You know what, Olivia? You’re cute,” sabi ni Gideon at ngumiti. Yung ngiting hindi lumilitaw ang ngipin. Ngiting makamandag. “I know,” taas-kilay niyang sagot at umusog pa palayo. “Bakit ka lumipat sa Colegio de San Sebastian?” tanong nito. Napatingin siya sandali rito bago ibinalik ang mata sa cellphone na hindi na niya maintindihan. “I know na family mo ang may-ari ng school. But I have my personal reason. I’ll keep it na lang,” sabi niya. “My Uncle Gavin ang nagpapatakbo ng school,” tugon nito. Nagkibit-balikat lang siya. “Magkaklase tayo, Olivia. Wala namang masama kung may malaman ako tungkol sa’yo,” sabi pa nito na parang interesado talaga. Kilala na niya ang ganitong tipo. Mga lalaking magaling magpakilig at magpanggap. Pag nakuha na ang gusto, who you na lang. Kaya hindi na siya magtitiwala pa sa kahit sinong gwapong lalaki. “Via. Just call me Via. Gaya ng iba,” sabi niya. “But Olivia is much better than Via,” sabi nito. “Walang tumatawag sa akin ng Olivia. Mas sanay akong Via. So call me Via. Not Olivia,” pamimilit niya. “Olivia,” sabi nito sa mababang boses na nagpakilabot sa kanya. Masama ang tingin na pinukol niya rito. Nakipagtitigan pa ito. Hindi niya alam kung gaano sila katagal nagkatitigan nang biglang bumukas ang pinto. “Gideon!” sigaw ng isang lalaking pumasok. “We’re here,” tugon ni Gideon at tumayo. “We’re safe now,” sabi pa nito sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag at tumayo rin. “Hey, Gideon,” bati ng lalaki. Natigilan siya nang makita ito. Gwapo rin. Katulad ni Gideon. Matangkad, malinis, at malakas din ang appeal. Hindi niya naiwasang pagmasdan ito. Napansin pa niyang sumulyap ito sa kanya. “Hey, Garreth. Thank you for saving us,” pasalamat ni Gideon. Garreth. Ang ganda ng pangalan. Bagay sa kanya. “Olivia,” tawag ni Gideon. Marahil napansin nito ang pagtitig niya. “This is Garreth. Anak siya ni Uncle Gavin. Garreth, this is Olivia Sebastian. From the Santillan and Sebastian clan,” pakilala ni Gideon sa kanilang dalawa. Kumpleto ang pagpapakilala nito sa kanya. Kilala ba talaga siya nito? “Hi, Olivia. Nice meeting you,” bati ni Garreth. “Hello, Garreth. Just call me Via,” sagot niya. “Nice name,” sabi nito at iniaabot ang kamay para makipagkamay. Akmang tatanggapin niya nang biglang umakbay si Gideon kay Garreth. Parang sinadya nitong ihiwalay siya. “Tara na sa labas. Baka hinahanap na tayo,” sabi ni Gideon at naglakad na kasama si Garreth. Napasimangot na lang siya at sinundan sila ng tingin. “Bakit ba kayo na-lock dito sa loob?” tanong ni Garreth. “It’s a long story,” sagot ni Gideon at sinulyapan siya. Nagtaas lang siya ng kilay bilang sagot. Paglabas nila, hindi na siya nagulat nang makita si Veronica. Napahinto ito nang makita siya sa tabi ni Gideon. Nagtaas ng kilay at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Halos cleavage na ang pinanglalaban. Sa edad na seventeen, pinapayagan na pala itong magsuot ng ganoon. Samantalang siya, pinagbabawalan pa ni Daddy Lance kung maiksi. “Oh gosh! Is that you, Via?” gulat na tanong ni Veronica na parang nakakita ng multo. Inikot niya ang mga mata. “Hi, Gideon. Hi, Garreth,” maarteng bati ni Veronica. Halata ang pagpapacute. Binibilad talaga ang cleavage sa harapan ng dalawa. “Hey,” si Garreth lang ang sumagot. Nabaling muli ang atensyon ni Veronica sa kanya. “What is she doing here, Gideon?” tanong nito. “Ask her,” sagot ni Gideon at niyaya na si Garreth na lumakad. Naiwan silang dalawa ni Veronica. Ayaw na niya sanang pumatol. Sayang sa oras. “Excuse me,” sabi niya at akmang lalagpas nang harangan siya nito. “Damn,” mura niya. Napansin niyang nakatingin sa kanila si Gideon mula sa malayo. May hawak pang kopita. Ibig sabihin, sa edad na seventeen, umiinom na ito ng alak. At parang gusto pa nitong panoorin kung paano sila magsabong ni Veronica. “Bakit mo kasama ang magpinsang Saavedra?” taas-kilay na tanong nito. “Bakit ko naman sasagutin ‘yan? Sino ka ba?” taas-baba niyang sagot. Kahit saan pa siya dalhin, ilalabas at ilalabas niya ang pagiging mataray niya. Lalo na sa katulad ni Veronica na takot masapawan. Buti na lang mag-isa ito. Wala ang mga ka-grupo nitong mean girls. “Who do you think you are para sagutin ako ng ganyan?” galit na tanong nito. “You can search my name kung gusto mo ng information tungkol sa akin. I am Olivia Santillan Sebastian. At pwede mo rin tanungin ang mga magulang o lolo’t lola mo kung sino ang mga Santillan Sebastian sa bayang ito,” taas-baba niyang sabi. “What?” kunot-noo nitong tanong. “See you around,” sabi niya at tuluyang nilagpasan ito. Naramdaman niyang nakatingin pa rin sa kanya si Gideon. Sinalubong niya ang mga mata nito. At kahit ayaw niya, ramdam niya ang pagkabog ng dibdib niya. Kay Basty, hindi niya naramdaman ‘to. Hindi niya naramdaman na bumilis ang t***k ng puso niya. Is this bad news? tanong niya sa sarili. Obviously. Gideon Saavedra is bad news for me. Kailangan niyang umiwas. Ngayon pa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD