"Kumusta na ang bagong kasal?" Panunuya sa kanya ni Veronica. Hindi niya alam kung paano nito nalaman kung nasaan siya. "Anong ginagawa mo rito, Veronica?" taas kilay niyang tanong. "Masama bang pasayalan ang babaing nagwagi sa puso ni Gideon?" tugon nito sa kanya. Napahugot siya ng malalim na paghinga, alam niyang narito si Veronica para sirain ang araw niya, pero hindi siya magpapaapekto rito. Nagtaas siya ng mukha at hindi inalis ang mga mata kay Veronica. "Kung may kailangan ka Veronica sabihin mo na. Marami kasi akong trabaho," she said. "May gusto lang akong itanong sa iyo Via." "Ano iyon Veronica?" "Paano mo naipakulong si Erika at mga kaibigan niya?" Veronica asked. Hindi siya sigurado kung alam ba ni Veronica ang tungkol sa video niya, kung nakita ba nito. Ang sabi naman s

