1. The Famous Feud

2129 Words
"Faith!" Hinawakan ni Suzy ang kamay 'ko. Agad 'ko iyong hinila mula sakanya. Natural na nahati ang daan sa gitna. Narinig 'ko ang bulungan at malisyosong tingin ng mga tao. Ang takong ng sapatos 'ko ay lalong umingay dahil binilisan 'ko na ang lakad. Iniisip kung paano 'ko pwede itarak kay Javier ang takong ng sapatos 'ko. Pagod na pagod na ako sa paandar ng lalaking ito. I am busy doing my papers, tapos ay naghahamon na naman siya! Akala niya ba ay hindi 'ko siya papatulan dahil marami akong ginagawa? Bibigyan 'ko siya ng maraming oras! Sisiguraduhin 'ko na magbu-bukol ulit ang ulo niya dahil sa'kin! "Oh no! Anong tinitingin-tingin niyo?! Could you please stop the President!?" Pigil ni  Suzy. Napatigil ako sa paglalakad ng makita si Daniel sa harapan. My forehead knotted. Mabilis siyang nagsalita. "P-President!" Ngiti ni Daniel. "May problema tayo sa. ..ano. ."  Kumunot ang noo 'ko. Why are they trying to save that bitch? "Excuse me, Daniel. Pero sa pagkakaalam 'ko-ginagawa 'ko ang trabaho 'ko ng maayos. Takot ang problema sa'kin dahil sa linis ng trabaho 'ko." Nilagpasan 'ko siya. Narinig 'ko na ang boses ng kupal kahit napakalayo 'ko pa sa gymnasium. He's using a megaphone?! Really? Hindi talaga siya nahiya! Biglang sumakit ang ulo 'ko dahil sa nangyari. Ilang araw na namang lulutang sa internet ang pinagsasasabi niya! That damn Javier! I am going to shave his head off! He's a shame to the university! A shame! Kahihiyan! Okay sana kung hindi ako naapektuhan sa pinaggagawa niya-but dragging my name down? Natigilan ito sa pag-sigaw ng magkasalubong ang tingin namin. Hindi ako makapaniwala na nginisian pa ako nito. Dahil doon ay parang natural lang sa'kin na kinuha ang sapatos na suot 'ko at ibinato sakanya. Wala akong pakialam kahit dumudugo na naman ang matigas nitong ulo. Narinig 'ko ang pagsinghap ng karamihan. Suzy called me again. Daniel tried to hold me. Ang iba ay nagtawanan dahil nabato na naman ng sapatos si Javier Castell! "What the hell, Celestial!" Sigaw ni Javier na lalong kina-init ng ulo 'ko. He glared at me. Bigla akong natawa. He's ridiculous! May gana pa siyang tignan ako ng masama? Paano ba niya nagagawang tumawa ng alam na mali ang pinagkakalat niya? Wala talaga siyang konsensya! Mabilis akong lumapit sakanya pero naramdaman 'kong may humawak na naman sa braso 'ko kaya't inapakan ang paa ng humawak sa'kin kaya nakatakas ako. I heard a scream of a man. Pero hindi 'ko iyon pinansin. "Stop doing this, Javier! You useless bitch!" I shouted in his face. "What is this, Javier? Ano na namang issue 'to?" Dinuro 'ko ang lalaki. Mabilis nitong tinabig ang kamay 'ko. Ngumisi bago niya hinawakan ang megaphone. Hindi talaga nagpa-awat kahit dumudugo na ang ulo nito!  Lumapit ito sa'kin. He is still confident with the smirk in his face. Ang sarap punitin ng labi niya!  "Bakit? Totoo naman-you are sleeping with Mr. Salvador-" Mabilis 'ko siyang sinampal. Inagaw 'ko sakanya ang megaphone. "Do you have any proofs?!" Sigaw 'ko sa megaphone papunta sa mukha niya. "I can sue you, Javier. Wala 'kang pruweba!" I added.  Napapikit siya ng mariin.  Pero mabilis din siyang nakabawi. Ngumisi ito. Looking amaze. Lumapit ito sa'kin ng dahan-dahan. "Paano pag meron?" Bulong niya. Sapat lang para kami ang makarinig. Kumunot ang noo 'ko. That's impossible. For pete's sake, I am a virgin! Inagaw muli nito ang megaphone sa'kin. "Mr. Salvador, labas ka naman diyan!" Sigaw pa nito. Lumabas si Mr. Salvador. Looking a pathetic bastard. Wow. Magkano ang binayad sakanya? Wow. Really. Iba talaga ang nagagawa ng maraming pera huh? Mabilis mo lang na napapaikot ang tao sa kamay mo. "Mr. Salvador! Pakisabi nga ang nangyari!" Mayabang pa na utos ni Javier sa matandang estudyante. Narinig 'ko naman ang bulungan ng estyudante. I bit my lip hard. Kung siguro ay una pa lang ito, baka kinabahan na ako. Pero wala! Sanay na sanay na ako! Susugurin 'ko ulit sana si Javier pero napahinto ako ng may dumating. "Mr. Castell and Ms. Diaz?" Napahinto ako. Saglit na nanlamig.  Nakita 'kong ngumisi si Javier. Yumuko ako bago harapin ang dumating. Damn, ang aga pa para dumating ni Mr. Castell. Bakit ang bilis niya ata?! Hindi pa ako nakakaganti sa gagong 'to! "Dad!" The freak laughed. "Ang aga mo naman?" "Javier!" At napairap ako ng dumating si Candy. "C-Candy?" Utal pa ni Javier. I smirked. "Oh my god! Your head is bleeding!" Matalas akong tinignan ng tangang si Candy. "What have you done, stupid-" "Candy, stay out of this." Sabi ni Mr. Castell. Mabilis namang tumahimik ang paawang tanga, pero masama pa 'rin ang tingin sa'kin. "Mr. Castell!" Nagkukumahog ang mga faculty dahil nandito ang may-ari ng University. Inutusan ni Mr. Castell na paalisin ang nanonood at siguraduhing walang makakalabas sa nangyari ngayon. Napaiwas ako ng tumingin sa'min si Mr. Castell. "You two, follow me." Babalik pa sana ako para kunin saglit ang kapareho ng sapatos 'ko. Pero tinabig ako ni Javier at inunahan ako makuha 'yon. Binato niya ng napakalayo! Sinamaan 'ko siya ng tingin at nag-isip ng happy thoughts. Pinigilan 'kong sampalin ito ng nanginginig 'kong kamay. "Puta ka." Bulong 'ko. Ngumisi ito at sinundan ang tatay niya. Agad nag-init ang ulo 'ko at gusto siyang sampigain. Kung wala lang ang tatay niya! Binato 'ko ang isa pang sapatos sakanya. Nilingon ako ni Javier para tignan ng masama. Inirapan 'ko ito. Habang papunta sa office ay nakita 'ko ang kabadong mukha ng faculties. Pero pag napupunta ang tingin nila sa'kin-sumasama iyon. Mabilis umupo si Javier habang ako ay nakatayo lang. "Ano na naman 'to?" Mr. Castell bit his lip. Mukha namang kalmado ito pero lalo akong kinabahan sa ngiti niya. Hindi kami sumagot. "Javier?" "I just want to get even-" "For what?" "For what she did." Sabi ni Javier. Nilingon ako nito. Tinignan 'ko rin siya. Sinamaan ako ng tingin nito. Inirapan 'ko na lang. Walang kwenta. "What is that?" Tanong pa ni Mr. Castell. "When a rumor spread that I am sleeping with Mrs. Garcia?" Nanlaki naman ang mata 'ko. "That's not a lie though." Sabi 'ko. Kumunot ang noo ni Javier at napatayo. Mabilis umiling si Mr. Castell at bahagyang natawa. "Tama naman siya anak. That's not a lie." "But she spread it." Tumaas ang kilay 'ko. "At paano mo naman nasabi na ako ang nagkalat?" "I know you're the one handling the page-" "Excuse me?" "At ikaw lang ang may lakas ng loob bangga-banggain ako!" Sigaw ni Javier. Napangisi na lang ako at tinignan si Mr. Castell. "He's spreading rumors. Walang katotohanan." Simula 'ko kay Mr. Castell patungkol sa ginawa ng anak niya. "I know." Sabi ni Mr. Castell. Napangisi ako. "What, Dad? You know? Paano mo naman nasabi-" "Umalis na kayo." Binuklat ni Mr. Castell ang mga documents sa harap niya. "We'll talk later, Javier." Napangisi ako. "Mauna na po ako, Mr. Castell." Tumango ito. Nginisian 'ko naman si Javier. Lagot ka. Buti nga sayo. "Dad!" Javier hissed. Iyon lang ang narinig 'ko bago ako makaalis. Agad akong sinalubong ni Suzy at Daniel. Bitbit ang sapatos 'ko. "Thanks." Sunod akong pumunta sa office ni Dean Yano. Umupo ako 'don. "Ms. Diaz!" I am ready for scolding. But I know I won't get suspend or anything. Because I have Mr. Castell at my side. Anong magagawa nila? Ang pagsabihan lang ako. "Hindi naman po 'to mangyayari kung hindi inumpisahan ni Javier. Javier is the one who's unreasonable here. He started to-" "Pero hija-hindi mo dapat binato ng sapatos si Mr. Castell! Anak pa rin siya ng may-ari ng nagpapa-aral sayo!" Sabi ni Dean. Halatang paulit-ulit. Halatang napapagod na akong pagsabihan. I sighed. Kailan ba mapapagod ang isang 'to? Hindi ba nila alam na parang mas anak pa nga ako ni Mr. Castell kung kampihan? Napanguso ako ng matapos ang pagsasalita ni Dean sa wakas. Mabilis akong tumayo at umalis. Tinawag pa ako nito pero hindi 'ko siya pinansin. Ilang beses na akong muntik ma-expelled sa kabastusan 'ko, sa pag-aaway namin ni Javier-but I am always polite and nice. Hindi lang sa mga araw na. ..nakakaaway 'ko ang gagong 'yon. Nang makalabas ay sinalubong ulit ako ni Suzy. "Wala na akong gagawin?" Tanong 'ko kay Suzy. Umiling naman siya. "Ayos na po. Free din ang schedule niyo." "Free?" Kahit kailan ay hindi naging libre ang oras 'ko. Kailan 'ko sinabi na gawin itong bakante? "Yes po. Free." Kumunot ang noo 'ko at tinignan ng masama si Suzy. "At bakit free?" "Kasi po sabi niyo?" Napahinto ako sa paglakad. Napapikit ako ng mariin. Dapat bang palitan 'ko si Suzy? Madalas kasi ay nakakapang-init ng ulo ang ugali nito. "Bakit 'ko sinabi?" "Ah! Kasali po kayo sa top three finalist sa science fair next month. Gusto niyo po mag-focus doon." Muli akong naglakad. Right. The science fair. I need to take care of it. Tinapos 'ko lang ang klase at umuwi na. Nakita 'ko si Mama pero dumiretso ako sa loob ng kwarto. "Anak?" Nakangiti pa ito. Napairap ako. "Bakit?" "Hinanap 'ko iyong pinapabili mo. Pero hindi 'ko makita-" Napasinghap ako at hinarap siya. Hinugot 'ko ang papel sakanya. Ito ang materials na kailangan 'ko. Para sa paghahanda ng science fair. "Ma, ang dali lang nito. Wala sa palengke nito. Nasa junk shops. O hindi kaya sa Mall. Pumunta ka don." "H-Ha? Anak, medyo nahihirapan ako kumita-" Sinaraduhan 'ko ito ng pinto. "Anak? Kakain ka ba? Nagluto ako dito ng ginataang gulay. Ano? Paghahandaan ba kita?" "Oo." Sigaw 'ko na lang. Napairap na lang ako. Binuksan 'ko ang aircon at wifi sa kwarto. "Anak nandon na sa lamesa. Kain na tayo?" "Mauna ka!" Sigaw 'ko ulit habang ginagawa ang assignment. Pagkalabas ng kwarto 'ko ay napasimangot ako. Ang init at masikip. Ang liit ng bahay namin. Hindi talaga kami mayaman. But I am doing my best, para makaalis sa ganitong lugar. Nakita 'ko ang madungis 'kong ina. Napasimangot ako. Ang dumi-dumi tignan ng bahay. Kahit naman sa Tondo kami nakatira, ayoko ng marumi! "Ma, maglinis ka nga." "Okay anak." Iniwan 'ko na ang lamesa ng pagkatapos kumain. Pumasok ako sa kwarto. Nagbasa bago nakatulog. Kinabukasan, akala 'ko ay magiging normal na ulit. But Javier is pestering me. Lunch na 'non. Kakaaway lang namin kahapon, talaga bang naghahamon siya ngayon? "Could you stop, stupid?" Ngumisi si Javier. "Ayaw." "Miss President!" Tawag ni Suzy. Sinabi na mayroong naghahanap sa'kin sa gate. Wala naman siyang sinabing pangalan. Must be an invitation or something. "Saan ka?" Tumayo din ang gago. "Pwede ba? Huwag kang sumunod?!" Sigaw 'ko sa lalaki. "Ayoko nga. Sabi ni Dad huwag daw kita guluhin!" Tawa pa nito. Napangiwi ako. Pero napahinto ng makita kung sino ang nasa gate. Si Mama. Oh my god. Anong ginagawa niya dito? Kinawayan pa ako nito. Mabilis akong tumalikod. "Oh sino 'yon?" Tanong ni Javier. Namutla ako. Oh my god. "Anak!" Sigaw pa nito. Napapikit ako. "Anak?" Tanong niya. "Nanay mo 'yon?" Natakot ako. Oh my god. Sa lahat ng pwedeng makaalam-mukhang si Javier pa? No, no! He can't know! "No. Hindi 'ko siya nanay." Tanggi 'ko. Wala sa school ang may alam 'kung anong klaseng buhay ang mayroon ako sa labas. They're expecting that I'm rich-pero hindi talaga. I am not lying-pero hindi 'ko din sinabi. "Faith!" Tawag pa ni Mama. Napahinto si Javier. At nagulat ako ng tumakbo siya papunta sa gate. Oh my god! Hindi niya pwedeng malaman! Not Javier! Alam niya ba? Or may kutob siya? Oh no! Wala akong choice kung hindi sumunod kay Javier. Hindi 'ko alam kung bakit nandito si Mama sa school-argh! Sinabihan 'ko siyang huwag pumunta! Kahit kailan! Kahit ano pa ang mangyari! "Ang ganda ng school niyo, hijo." Rinig 'kong sabi ni Mama. Javier laughed. "Salamat po. Bagay ba sa'kin ang uniform?" "Anong kailangan niyo?" Tanong 'ko agad. "Anak-" "Anong kailangan niyo?" Hindi niya ba pwede makuha ng isang isang beses lang? Inabot nito sa'kin ang plastic. "Kumain ka na? Paborito mong siomai noong bata ka pa-" "Kumain na ako-" "Hoy Celestial." Mariin ang titig sa'kin ni Javier. Ano na namang problema nito? "Umalis ka na." Sabi 'ko. Nang tumango si Mama ay naglakad na ako pabalik sa loob. Ano bang ginagawa niya? Paano kung may nakakita?! "Ano ba!" Sigaw 'ko ng may humila sa'kin. "Anong ano ba?! Baliw ka ba? Wala kang galang doon!" Turo niya kay Mama. Napataas ang kilay 'ko. "Ha?" Nakakatawa siya ha! In fairness! Joker din 'tong si Javier! Kumunot ang noo nito kaya lalo akong natawa. "Sayo pa talaga galing 'yong galang?" I giggled. "In fairness, nakakatawa ka." Hinampas 'ko ang braso nito. Pero hinuli niya ang kamay 'ko at tinignan ako ng masama. Ano bang problema niya? Marahas 'kong hinila ang kamay 'ko pabalik. "Huwag mo ako pangaralan ha." Ngumisi ako. "Apply it to yourself first, Javier. Baka makinig ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD