2. It Won't End Until He Stops

2151 Words
"Nako!" Maingay na sinarado ni Suzy ang pintuan. Anong problema niya? My forehead knotted. Mukha siyang kinakabahan pero nanlaki ang mata ng magkasalubong ang tingin namin.  "Bakit?" Tinanong 'ko siya.  Nandito kami ngayon sa office ng student council. Tahimik lang naman kaming dalawa dito palagi. Pero laging may maiingay na dumarating. Mga epal. Pero hindi nakakapasok si Javier dito. Kahit anak pa siya ng may-ari ng university, hindi siya pwede dito! Kinausap 'ko rin naman si Mr. Castell at pumayag ito.  "P-President!" She smiled. Napasimangot ako. May kutob na ako kung sino ang nasa labas. "Tignan mo," pinalapit 'ko si Suzy. Mabilis naman siyang sumunod at sinilip ang pinapakita 'ko. It's about the students request. May mga pwede pagbigyan, iyong iba ay kailangan pang ipa-konsulta at karamihan ay hindi talaga pwede. Pero susubukan 'ko pa rin. I can call Mr. Castell or present a good report to deans. ..I can defend them all. A students request is like a draft for me, an idea. Ang mga hindi pwede ay pagsasamahin 'ko and edit it-but still would benefit them. Kumalabog ang pintuan. Napapikit ako. "Ah. ..President, si Candy. .." ngiti ni Suzy. Sinasabi 'ko na nga ba.  Si Candy na naman. Kailan ba niya titigilan ang pagsugod sa office na parang nanay ni Javier. Mas lalo atang kumunot ang noo 'ko sa narinig. Si Candy? Anong kailangan niya? "Hoy, Faith!" Candy banged the door again. Napasimangot ako. Iniisip kung bubuksan ba ang pinto o hindi. But that's not Javier anyway. ..Pero paano kung away na naman ang balak nito ni Candy? Hindi 'ko kasi mapigilan ang sarili na ibato lagi ang sapatos 'ko. Lalo na pag nag-iinit ang ulo 'ko. Lalo na't medyo wala din siyang sense. Parehas sila ni Javier. Hindi 'ko talaga alam kung ano ang nakita ni Javier sa babaeng 'to. Ganon din si Candy. Wala namang maganda sakanila. They are both you know? Just pretty face and rich. Candy is also a big person here in university. But whatever. Huwag niya lang ako umpisahan. Sinenyasan 'ko si Suzy na buksan ang pintuan. Niligpit 'ko ang papel na nagkalat sa lamesa. "Hoy, Faith!" Candy marched in front of me. Masama ang tingin nito sa'kin. Mabilis naman akong umiwas at kinalma ang sarili. Pero hindi naman sana niya kailangan ulit magdabog? Napapikit ako ng magdabog ito sa lamesa. "Bakit? Bakit mo sinugatan ang ulo ni Javier? Dumugo na naman ang ulo niya!" Seryoso ba? Ayan lang ulit ang pag-uusapan namin? May laboratory subject pa naman ako ngayon. Isa pa, obvious ang sagot! That damn Javier is creating a chaos on the internet! Pinap-piyestahan lang din naman ako, edi sasagarin 'ko na at paduduguin ang ulo ng lalaking 'yon! "Tanungin mo si Javier kung bakit desperado siyang asarin ako." Ngumisi ako sakanya. "Candy, hindi kita kaaway. At kung pag-aawayin ulit natin na gusto 'ko siya, interesado ako sakanya, o kung ano pang ilusyon mo-itigil mo ha." I wrinkled my face. "P-Pero-Huwag mo na kasi siyang batuhin ng sapatos!" Inis na dabog niya. Parang bata. That's possible. Kung titigil siya, edi hindi 'ko na ito babatuhin! Pero laging nauuna ang bwisit na 'yon! "Okay," ttango 'ko at yumuko sa papel. Hala. May isa pa palang request dito na naiwan. Pero kahit naiwan, kasama naman siya sa bagong plano. Makikinabang pa 'rin siya. .. "Suz-" Napahinto ako ng makitang hindi pa umaalis si Candy sa harap 'ko. Mukha siyang gulat, o nakakita ng multo. "Bakit nandito ka pa?" May ginagawa ako. Hindi ba obvious? Talaga bang nililigawan 'to ni Javier? Parehas silang mahina ang utak. Napangiwi ako sa naisip pag nagkaanak ang dalawa. Parehong low IQ. Yikes. "You said okay!" She said, like it was the most impossible thing that I can say. "Okay?" Kumunot ang noo 'ko. Ah. That. Akala 'ko naman kung ano na. I giggled. "Yes. Okay lang, Candy. Pero sabihan mo muna si Javier na huwag ako guluhin. Bumagsak ang balikat ni Candy. "Faith naman! Huwag ka na gumanti!" Candy. May sayad 'ata 'to. Feeling niya talaga mapapasunod niya ako. Ilang beses na niya ako sinabihang huwag gumanti. Wow. Bakit hindi ako gaganti? Sino ba ang nauna? Si Javier. Sino ba ang paulit-ulit? Si Javier. Siya ang may sayad kaya dapat siya ang pagsabihan. "Ah." Bigla akong may naisip ng makita ang papel. "Dean's lister ka, Suzy?" "Opo!" Masayang sabi niya. Napangisi ako. "Congrats!" Bati 'ko. Sinenyasan 'kong lumapit si Suzy. "Pakidala 'din 'tong application 'ko for dean's lister. Pakisabay sayo pag magpapasa-" Muling nagdabog si Candy kaya napatingin ako don. Ano ba? Napatayo ako dahil sa inis. Mabilis namang hinila ni Suzy si Candy papunta sa likod niya. "Ano ba!" Palag pa ni Candy. "Hindi pa kami tapos mag-usap! Ang yabang-yabang! Akala mo kung sino!" Sabi niya kay Suzy. Tumaas ang kilay 'ko. "Yabang? Saan ako nagyabang? Lumayas ka dito." Napaupo ako at nag-isip ng happy thoughts. "Paano kayo matatapos ni Javier sa pag-aaway niyan kung nag-gagantihan lang kayo?!" Sabi niya, mukhang kawawa na. I sighed. May klase pa ako mamaya at kailangan 'ko pa makipag-usap sa Vice President. Marami pang kailangan tapusin. At isa pa, wala ba siyang klase? "Hindi matatapos 'to kung gagantihan niya ako. Lumayas ka na!" Sigaw 'ko dahil sa inis. Isa din si Candy sa paulit-ulit. Pero kung tutuusin, wala akong pakialam sa opinyon niya. I'm just being nice kaya siya nandito. As long as hindi siya si Javier, pwedeng-pwede ang kahit sino sa office. Pero kung patungkol talaga kay Javier ang pag-uusapan-I sighed. Matalim akong tinignan ni Candy before she stormed out of the room. Hay sa wakas. Peace. Hindi 'ko rin alam kung paano kami naging mag-kaaway ni Javier. We just found ourselves clashing. At siya ang nagsimula noon. Senior high school pa lang kami ay nagsimula nito. Habang pataas ang edad namin, mas lalong lumalala ang away. Sabi ng iba ay mag-isip kami na umaayon sa edad namin. Believe me or not, I tried to act as my age but Javier is bully at hindi 'ko naman pwede hayaan 'yon. "Suzy, tara na. Mag-usap na tayo." Tumango naman si Suzy at naupo sa harap 'ko. After our meeting, dumiretso na ako sa laboratory. May report ako doon. How to dissect a frog. Ilang beses na naming binabalikan ito ng mga kaklase 'ko. Noong una kasi ay talaga namang hindi sila nakinig. Pangalawa, nakinig pero mahirap pala. Ito na ang pangatlo. I know too, mahirap talaga. Ilang palaka 'din ang ginamit 'ko sa bahay para matuto mag dissect ng maayos at walang nadudurog na kahit anong buto. Marami silang tanong. Lahat iyon ay sinagot 'ko. Nagsimula na sila. Muli 'kong pinaalala ang basic sa pag dissect. Dahil minsan, kung ano pa iyong kailangan at madali tandaan iyon pa ang nakakalimutan nila. "Hala walang nadurog!" Iyak ni Janelle.  Natutuwa dahil hindi nasira ang pala niya. Napangiti ako at pumunta sa station niya. Job well done! I enjoyed the subject. Lahat ng kaklase 'ko ay tumatawa dahil nagawa nila sa wakas, at iyong iba ay tinawa na lang din dahil hindi nila magawa. Naniniwala akong lahat ng tao ay may talento at talino. Luckly, my talent is to be excellent in academics. Hindi ako nahihirapang makisabay dahil sa talino 'ko.  Kahit mahirap ang buhay sa'kin.. After two more subjects, uwian na. Ngunit dumiretso ako sa faculty dahil mayroon daw announcement. Wow. A school trip. Iyan ang announcement sa'min. Napangisi ako. I'm sure everyone will like it. Siguradong matutuwa sila Suzy. ..Daniel at lahat ng estyudante. I'm excited to announce it! School trip. Isang araw lang. Sa isang sikat na bundok na tinatawag nilang Beau. It's not actually a scary place at all. Hindi siya totally camping dahil mayroong tila Hotel doon. At doon kami mags-stay for safety. Medyo scary pag lumabas dahil nga puro puno, but I think it will be fun. Umuwi na ako. Dumiretso matulog. Dahil hindi pa naman ako nagugutom at ayoko makita ang aking ina. The nerve of her. Kinatok pa ako nito sa pinto at namimilit. Nakakainis! Bumangon ako at tinignan ng masama ang aking ina. "Ano ba?" "Anak, mag-usap tayo.. Kamusta ang eskwelahan mo? Nagluto ako ng pansit..." Ngiti nito sa'kin. Bigla akong natawa, "Pagod ako. Hindi mo ba nakikita?" Anong tingin niya sa'min ngayon? Mag-ina at anak? Talaga bang iniisip niya na pagbibigyan 'ko siya? She should celebrate her own birthday. Bahala siya sa buhay niya. Magsasalita pa sana ito pero sinaraduhan 'ko na siya ng pintuan. I talked to her last night. She said she just miss me and wanted to bring me lunch. Napangisi ako. The nerve. That doesn't make any sense. Not at all. Ang kapal ng mukha. Ang kapal-kapal. .. The rage in my heart intensifies. Dahil doon ay parang may kumirot. Sumakit na naman. May naalala. Kaya napailing ako lalo na ng mag-init ang mata 'ko. What a good night. "President! President!" Si Suzy na nagkukumahog na naman. Napasimangot ako. "Si Jameson po nandito!" Napatayo ako. Nanlaki ang mata. Si Jameson! Bigla akong napatingin sa salamin at inayos ang sarili. Oh my god, anong ginagawa ni Jameson dito? Hindi pa ako nakakapag-ayos! Wala manlang pasabi! Text or call? Personal message sa messenger! Kairita! Si Jameson ay kababata 'ko. Hindi 'ko talaga masyadong napapansin ito. He's hitting on me but not very forward, kaya't hindi 'ko rin siya pinapansin kahit gustong-gusto 'ko siya! At ayun nga. May kumatok! Nagkatinginan kami ni Suzy bago niya binuksan ang pintuan. Hinawi 'ko ang aking mahabang buhok papunta sa likod at huminga ng malalim. Ngumisi ako kay Jameson kinawayan ko siya. Tila lumiwanag ang kwarto pagkangiti nito. "Hello. Bakit?" bati 'ko sa lalaki at sinenyasan na maupo. "Nabalitaan 'ko na naman ang ginawa sayo ng kapatid 'ko." Sabi niya kaya't dahan-dahang nawala ang ngiti 'ko. "Pasensya na." He said. The guy I like... is Javier's older brother. Napataas ako ng kilay. Talaga bang pumunta siya para ihingi lagi ng tawad ang kapatid niya? I really like Jameson. He's my senior. Nasa fourth year na ito. Compared to his pathetic brother, Jameson is way better than Javier. They are totally opposite. Jameson is responsible, intelligent, and very handsome. Also a good example for everyone. A political science student. But the pathetic thing about Jameson is-he's always saying sorry for his brother. Nakakainis. Bakit kailangan pang i-sorry iyon ni Jameson? Why can't he go here and ask me for a date? Tinitigan 'ko si Jameson. He's perfect and I want him. ..ask me out, Jameson. Stop talking about your useless brother. "Nako!" sigaw ni Suzy kaya't nagising ako sa iniisip.  Mukhang nakita ni Suzy na lutang ako. Suzy is really a savior! I nodded to Jameson. "Wala 'yon." "Ang dami ng nagagawa ng kapatid 'ko sayo. Nakakahiya." Kamot ulo nito. "I really wanted to ask you out but my brother is-" Ano naman ang kinalaman ng kapatid niya dito? Fuck Javier! Ang kailangan lang namin ay ang isa't-isa! Hindi na kasali ang bwisit na 'yon! "Yes!" Mabilis 'kong sagot. I leaned on him. Nakita 'kong natigilan ito at napaubo. Ang tagal niyang ayain ako lumabas. He's always telling me he wanted to ask me out but his brother is epal. Nahihiya daw ito sa pinaggagawa ni Javier. So he can't. That doesn't make any sense, right? Pero dahil puro siya ganon, ako na lang ang magsasabi. Gusto naman niya ako, at ganon 'din siya. Hindi na kailangan magpakiramdaman. Mahirap ang kiligin tapos pakiramdaman lang ang meron! "Yes?" Nagtatakang tanong nito at natatawa. Bigla din akong napabungisngis. I sounded desperate but I am cute so... pasok iyon sa banga. Kumunot ang noo nito, hindi makapaniwala at natatawa 'rin. "What..?"  "Yes. Let's go out." Ngumisi ako. Nakita 'ko na naman ang mainit nitong ngiti. Ah. Sunshine. Humalakhak ito. Mukhang hindi inaasahan na ganon ang sasabihin 'ko. Hay, Jameson... Parang hindi mo naman ako kilala. Mayroon na namang umubo. Si Suzy kaya pinandilatan 'ko siya ng mata. Kanina pa siya ubo ng ubo. Lalabas na ata ang baga niya. "Sige. .." Napalingon ako kay Jameson ng magsalita ito. "Let's date. .." Jameson. Napangiti ako sa narinig. Ang matagal 'ko ng hinihintay! Sa wakas! Kung hinintay ko pa siya, It will take ages. Buti na lang, I did the first move! Pagkatapos ng maikli pero matamis na pag-uusap namin ni Jameson ay biglang lumapit sa'kin si Suzy at nagtalunan kaming dalawa dahil sa kilig! "Grabe ka Ma'am! Hindi ako makapaniwala na aayain mo talaga si Jameson!" Suzy giggled. Tumaas ang kilay 'ko at natawa, "Ang bagal niya... at nandon na rin naman.. edi aayain ako na lang ang mag-aaya!" I giggled. "Pero paano si Javier, President?" Bigla naman nawala ang ngiti 'ko at sinimangutan si Suzy. Bakit ba lagi kasama ang lalaking 'yon sa usapin? "Alam mo, walang kinalaman ang hayop na 'yon. Ano naman kung mag-kapatid sila..." Singhal 'ko. Alam 'kong isa iyon sa magiging pa-epal. Pero wala akong pakialam. Lagot siya kay Jameson at sa'kin pag nangialam siya ng sobra!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD