Chapter 07

1401 Words
CHAPTER 7 Ellyce. "Okay class, ang gawin niyo lang ngayon ay pakiramdaman ang inyong kapangyarihan. Kung sakali mang may gustong lumabas sa inyong palad ay h'wag niyong pipigilan." Sabi ni Sir Charles. Nakita ko naman ang mga classmates ko na nakapikit habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. Orayt, para silang mga timang. Ako? Wala lang, nakatingin lang sa labas ng bintana. Tsk, tinatamad ako. Sa dorm ko nalang siguro gawin ang kasalukuyan nilang ginagawa. "Ellyce? Hindi mo ba gagawin ang ginagawa namin?" Tanong ni Fiona. Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatingin sa labas ng bintana. "Hays, tinatamad ka na naman siguro noh?" Sabi naman ni Trixie. Nag kabit balikat nalang ako at nanatiling tahimik. "Okay, lets continue this tomorrow. Class dismiss." Huling sambit ni Sir bago lumabas ng classroom. "What's the next class?" Tanong ko kina Fiona at Trixie habang nakakunot ang aking noo. Nagkatinginan silang dalawa na may halong pagtataka bago binalik ang tingin sa akin. "Nakalimutan mo na?" Tanong ni Fiona. Napataas ang isang kilay ko. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" Mataray na tanong ko pabalik. Inismidan ko nalang sila at umub-ob sa aking desk. Hours passed. "Ellyce?" Napa-ungol ako ng mahina nang may naramdamang umaalog sa aking balikat. Inangat ko ang aking ulo at agad na nakita si Fiona at Trixie na nakatayo sa aking gilid. Tiningnan ko silang dalawa habang nakakunot ang aking noo. "What?" I asked. "Well, mind eating dinner? Tayong tatlo nalang ang nandito sa room dahil naghahapunan na ang lahat. Sabihin mo lang sa 'min kung wala kang balak kumain, malaya ka naming iiwan dito mag-isa. Sarap ng tulog mo, eh noh?" Napa-irap ako sa sarcastic na saad ni Fiona at tumayo. Nauna na akong lumabas ng classroom at akmang didiretso na ng cafeteria nang magkasalubong kami ni Kuya. Kasama niya 'yung bago niyang kaibigan. "Oh, Sis. Sa cafeteria rin ba ang tungo ninyong tatlo?" Tanong niya. Akmang magsasalita na ako nang maunahan ako ni Fiona. "Sis? Magkapatid kayong dalawa?" Nakakunot noong tanong niya kay Kuya. Nakita ko naman ang bahagyang pagtango ni kuya. "Hi! Ako nga pala si Fiona, isang witch. Nice to meet you," tapos nakipag-kamay siya kay Kuya. "I'm Trixie, a glass manipulator." Pakilala rin ni Trixie at katulad ni Fiona, kinamayan din niya si Kuya. "I'm Asher, a sand manipulator. And this guy beside me is Blake, a healer mage. Nice to meet you, too." Nakangiting sambit ni kuya. "Bro', that's my sister. Meet Ellyce," Tinanguan ko lang si Blake. Nah! Hand shaking is not my style. "Sabay na tayong mag-dinner?" Fiona suggest. Sinang-ayunan namin 'yon at sabay sabay na nagtungo sa cafeteria. Nang makapasok kami sa loob ay ako na ang nagpresintang maghanap ng vacant. Mabuti nalang at may magandang pwesto pa ang natitira kaya do'n ko naisipang umupo. Napatingin ako sa mga estudyante na may sari-sariling ginagawa. Nag-uusap habang kumakain at nagtatawanan. Napabuntong hininga nalang tuloy ako. Sa di kalaunan ay biglang naging tahimik ang maingay na cafeteria. Napa-ismid nalang tuloy ako nang makitang pumasok ang royalties. Maingat na nilapag nila Fiona, Trixie, Blake at Kuya ang tray na may pagkain at inomin. Hindi makapaniwalang tiningnan ko sila isa-isa habang sila'y kumakain. "Oh, Ellyce? Hindi ka ba kakain?" Inosenteng tanong ni Fiona. Sinamaan ko siya ng tingin bago nagsalita. "Pano ako kakain kung wala akong pagkain?" Pagpipigil inis kong saad. Aba't! Hindi talaga nila ako inorderan ah! Kaembyerna! "Wala ka namang sinabi sa amin, ah?" Sambit ni Kuya. Napabuga ako ng hangin at umiwas ng tingin. "Hayop. At ang kapal naman ng mga mukha niyo para umupo rito sa mesa. Humanap kayo ng ibang mauupuan." Natawa si Kuya. "Mag-order ka na lang." Inis na tumayo ako sa aking kina-uupuan at nakakunot noong lumapit sa counter. Asar! Mabilaukan sana sila! "One cheese burger and fries. Samahan mo na rin ng pineapple juice." Saad ko do'n sa babae. Tinanguan lamang niya ako kaya kahit hindi ko gusto ay naghintay ako na dumating 'yung pagkain. "Excuse me? Step aside." Nabaling ang tingin ko sa isang babae na nakataas ang isang kikay habang mataray na nakatingin sa akin. Nakatalikod ako sa counter kaya nilagay ko ang dalawa kong braso sa counter side at tinatamad na tiningnan siya. "Who you?" I said without any emotions. Badtrip parin ako dahil sa ginawa no'ng mga abno na 'yon. Sana naman, hindi ko mailabas ang BV ko sa alien na 'to. "Are you nuts? Hey. I'm talking to you, b***h!" Napataas ang isang kilay ko dahil sa biglaang pagsigaw niya. Nang dahil do'n ay nakita ko sa aking pheriperal vision na nabaling ang tingin sa amin ng mga estudyante nang may pagtataka sa kanilang mukha. I rolled my eyes because of annoyance. Yeah that. I am gaining attention again. Tch. Walang gana kong nililinis ang aking kuko. Kung hindi dahil sa pagkain ay hindi ako mag-aabalang makipag-usap dito sa walang modong babaeng 'to. Tsk! Ba't ba ang tagal no'ng dumating? "You're getting on my nerves!" Sigaw ulit no'ng babae. Inaantok kong binaling sa ibang direksyon ang aking mga mata at bumuntong hininga. "If you can't wait any further, you can freely sit in any vacant chair. You don't need to shout to seek attention." I said, plainly. Nakita ko naman ang pag-igting ng bagang niya. "You b***h!" Sigaw niya. I saw her clenching her hands while looking at me annoyingly. I inhale and exhale heavily. Napaka-boring kausap ng isang 'to. Muli akong humarap sa counter at napansin 'yung babaeng kumuha ng order ko na tulala habang nakatingin sa akin. "Where's my order?" Tanong ko sa kan'ya. Akmang magsasalita siya nang naunahan siya nung babaeng mukhang alien. "Unahin mo ang order namin, got that?" Nakangising saad no'ng babaeng alien. Walang gana ko siya'ng tiningnan at tinuro ang papel na may sulat sa may counter. "First come, first serve." Saad ko. "Marunong ka naman sigurong magbasa." Umirap ako sa hangin at muling binaling ang tingin sa babaeng kumuha ng order ko. "Bilisan mo na ang pagbigay sa akin ng pagkain para maka-kain na ako." Dagdag ko. "Serve us first, or else..." may halong pagbabanta'ng sabi no'ng babaeng alien at tiningnan ng masama 'yung babae na kumuha ng order ko. Hindi ko siya pinansin. Napasinghap ang lahat, pati ako nang may isang dagger ang bumaon sa kaliwang braso ko. I cussed out in pain and bite my lower lip. Matapos no'n ay tiningnan ko ng masama 'yung babae na mukhang alien. Nakangisi siya habang pinagmamasdan akong medyo namimilipit sa sakit. Without doubt, buong tapang kong kinuha 'yung dagger na nakabaon sa aking braso at hinarap 'yung babae. Tinapon ko 'yung patalin kung saan at binigyan siya ng may pagbabantang tingin. "Does it hurt?" May halong asar na sambit niya. I smile creepily. "Yeah, it hurts. Do you want to feel it, too?" I said with my low voice. Malinaw kong nakikita ang dugong umaagos dito. Maya maya pa ay may naramdaman akong puting tela na tumakip sa sugat ko para pigilan ang pagdurugo. Nag-angat ako ng ulo at nakita 'yong lalaking prinsipe na may pulang mga mata at buhok. He had this very cold aura that gives shivers down to my spine a little. Hindi ko alam, pero sa itsura niya ngayon, masasabi kong galit siya. "T..tyrone," mahinang sambit no'ng babaeng mukhang alien at tila nakuhanan ng ilang bag ng dugo dahil sa kaputlaan ng mukha. Maya maya pa ay bigla nalang siyang napaluhod sa sakit kasama no'ng mga alipores niya kaya mas lalo akong nagtaka at binalingan ng tingin ang lalaking pinaghihinalaan kong may gawa. Hindi siya nagsalita at nakatitig lamang sa tatlong babae na nasa aming harapan. Kung dati ay tahimik ang cafeteria, ngayon ay mas lalo pang tumahimik. He look at me and heave a light sigh before leaving the cafeteria. Leaving us with confusion. Para saan 'yon? "Sis! Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Kuya nang makalapit sa akin. Tanging tango lang ang itinugon ko at mahigpit na napakapit sa tela na tinatakpan ang sugat ko sa braso. "I'll take care of it." Sabi ni Blake at tinanggal 'yung tela. Hinawakan niya ang sugat ko at napapikit ako nang maramdaman na may kakaunting kirot. Maya maya pa ay huminto na ang pagdurugo at nawala na ang sugat. "You need to rest." Saad ni Blake. Iginaya nila ako palabas ng cafeteria. Hindi ko na pinansin 'yung babaeng mukhang alien at dumiretso na sa dorm. Magpapaluto nalang ako ng pagkain kay Trixie. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD