Chapter 08

635 Words
CHAPTER 8 Ellyce. "Ellyce! Jusko! Gumising ka na d'yan dahil male-late na tayo!" Napadilat naman ako ng mata at tiningnan kung sinong sumigaw at si Fiona lang pala. "What?" I asked in confusion. "What what?" Said Trixie. "Anong what?! Jusmiyo, Ellyce! Mag-ayos ka na, malelate na tayo! Dali!" Sigaw ulit ni Fiona. "Opo nay," Sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Inismiran ko lang siya. Agad akong bumangon at pumasok sa cr para mag-ayos. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at nadatnan sina Trixie at Fiona na nakaupo sa sofa sa living room. "Tara na, gosh! Malelate na talaga tayo!" Sabi ni Fiona kaya nagmamadali kaming lumabas ng dorm at nagtungo sa classroom. Kanina pa siya sumisigaw ah! Ang lapit ko lang naman sana sa kan'ya. Psh. Pagkarating namin sa classroom ay sakto namang wala pa si Ma'am Castro kaya nakahinga kami ng maluwag. Agad akong umupo sa aking upuan at hinahabol ang aking paghinga. Grabeh! Ang layo kaya ng tinakbo namin. Para tuloy akong galing sa isang marathon. Eh ano naman kung malelate kami, 'di ba? Hindi naman siguro kami papatayin ng prof. Masyado lang OA 'tong si Fiona. "Moonlightians! Please proceed to the arena. Now!" "Moonlightians! Please proceed to the arena. Now!" "Moonlightians! Please proceed to the arena. Now!" Rinig naming sabi ni HM sa speaker. "Okay class, fall in line, by height." Rinig kong sabi ni Ma'am Castro. Hindi ko man lang namalayan na nandito pala siya. Pumila narin kami nila Trixie at Fiona. Si Fiona ang pinakahuli at ako naman ang sunod tapos si Trixie sa linya ng mga girls. "Let's go," sabi ni Ma'am kaya nagsimula na kaming maglakad patungong arena. Ganoon din ang mga school mates namin. Nang makarating kami sa arena ay dumeretso na kami sa aming assign seats at umupo. Alangan namang 'yung upuan ang umupo sa amin diba? Weird. Maya maya pa ay nagsidatingan narin 'yung royalties at 'yung palaka na si Jeanne kasama 'yung mga alipores niya. Nasa pinakaunahan ang royalties at kasunod naman nila 'yung mga palaka na si Jeanne tapos Lyrus 1 to 70. Ang dami pala namin. Ngayon ko lang napansin. Naglakad naman si H.M papunta sa gitna ng stage at nagsalita. "Good day, Moonlightians! I just wanted to say that next week na magaganap ang leveling. Kailangan niyong sanaying gamitin ang inyong kapangyarihan especially sa mga newbie. Exempted na rin kayo sa lahat ng mga klase niyo hanggang next week. Got it? Okay dismiss." sabi ni HM at lumabas ng arena. 'Yon lang? Langya! Sana inisip man lang nila kung gaano kalayo ang arena mula classroom tapos 'yon lang ang sasabihin?! Kaembyerna ah! Lumabas kami nina Fiona at Trixie gaya ng ibang estudyante. Alangan namang tumunganga lang kami do'n, di ba? Dumeretso na kami sa aming dorm tutal wala namang klase hanggang next week. Pagkarating namin sa dorm ay agad akong dumeretso sa kwarto ko at humilata sa kama. Wala naman akong masyadong ginagawa ngayon pero bakit parang napagod ako? Tsk! Dibale na nga. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako sa sigaw ni Fiona. Grabeh 'tong babaeng 'to. Nakakirita na siya. "Ellyce! Kakain na, bumaba ka na diyan!" So 'yon nga, bumaba na ako at dumeretso sa kusina kung saan ang dining area. Pagkarating ko ay sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng adobo. Omygosh! My favorite! Umupo agad ako sa upuan at hindi pinansin ang dalawa kong kasama. Agad akong kumuha ng kanin at ulam tsaka kumain. I will never get tired of eating this! "Grabeh ka, Ellyce. Hindi halatang gutom 'no?" Sabi ni Fiona at tumawa ng mahina, ganoon din si Trixie at nakangiting pinagmamasdan ako. Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na ako sa aking kwarto at ginawa ang aking night routines at humilata sa kama tapos natulog. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD