CHAPTER 18
Ellyce.
3 am.
I was sitting at the edge of my bed, thinking about our mission. I hope na walang mangyayaring masama sa mission na 'to at maka-uwi kami ng matiwasay. Tumayo na ako at naglakad patungong bintana at hinawi ang kurtina. It's still dark outside.
Later on, I decided to prepare the things I needed to our mission. Hindi kasi ako nakapag-prepare kagabi dahil nakatulog kaagad ako. Pagkatapos kong ipagsiksikan sa back pack ang kakailanganin ko ay naisipan ko ng maligo. Binigay ko si Ice kay Kuya kahapon palang para siya na ang mag-alaga sa kanya kaya hindi ko na dapat pa siyang problemahin.
I was wearing a black skinny jeans, red t-shirt, black leather jacket, black cap and a white vans shoes. Sinuot ko rin ang kwintas ko at itinago ito sa ilalim ng damit ko. There's really something to this necklace of mine that's bothering me. It's been long since I transferred to this school, but i still couldn't find any hints about my parents, even their face and powers. Tsk, hanggang kailan ko ba sila hahanapin? I'm losing hope to find them. It's really hard to seek a person who doesn't want to be found.
Lumabas na ako ng aking kwarto dala ang back pack ko at nagtungo sa kusina. I saw Fiona and Trixie eating. I sat beside the both of them and started eating as well.
After we ate, we leave our dorm with our back pack and headed to the head master's office. As soon as we arrived, we saw the others sitting in the sofa. Mukhang kanina pa sila nandito.
"Oh, you're complete." Napalingon naman kami do'n sa boses na nagsalita. Nakita namin si Head Master na parang bagong gising palang. Halata kasi sa magulo niyang buhok at malaki niyang damit na parang nagmamadaling i-suot?
"Let's go," I just nod as we followed him heading outside the office and walk through the silent lobby. It's not that dark in here because there's a lamp who gives a little light on the way.
Tahimik lang kaming nakasunod kay Head Master hanggang makarating kami sa field.
"Good luck to your mission and please come back safe." He said and I can clearly saw a worried expression on his face that made my forehead knot. Ganito ba talaga ka delikado ang mission namin na kailangan niya pa talagang mag-worried?
I push that thought away. I saw HM closed his eyes as he put both of his arms at the midway. Later on, I saw a light smoke that evaporates until it becomes a portal. He looked at us again and told us to get in. We obey him and we entered inside the portal and I swear to myself that I will never ride a portal again. Sh*t! This sucks! I can see my vision turns upside down and i feel like throwing up! Damn!
"I think... we need to take a long walk." I heard someone said and as I open my eyes, I saw plenty of trees and long grasses surrounding us. I think we end up in forest.
Pagtayo ko ay bigla nalang akong nahilo kaya napahawak ako sa kung sino man and I can also feel a soft grip in my wrist and holding my back for support. My vision is blur kaya hindi ko maaninag kung kanino ako nakakapit. Nang maging malinaw na ang paningin ko ay una kong tiningnan ang kinapitan ko, and I found out na si James pala. I felt awkward when we're both staring each other's eyes, sobrang lapit rin ng mga mukha namin na kapag isang maling galaw lang ay maaari na kaming maghalikan kaya napabitaw ako sa kanya. Kinuha ko ang back pack ko sa lupa at tumingin sa paligid. My eyes landed to Tyrone who was looking at me intently with an emotionless eyes. I didn't see any emotion on his face and I can also feel the aura that's surrounded him right now. It feels like.... he's Mad.
"Let's go." Cold niyang saad. Nakita ko namang nagkatinginan ang mga kasama ko habang naka-kunot ang kanilang mga noo, but in the end ay sumunod parin kami sa kanya.
Habang naglalakad kami ay bumabagabag parin sa akin ang sudden actions ni Tyrone. Why is he being cold all of a sudden? Is there any problem? Pero sa pagkaka-alala ko ay wala naman akong kasalanan sa kanya... or meron? Aiysh! 'Yung lalaking 'yon, pinapagulo 'tong isip ko! Langya!
"Ouch!" Napahinto kami sa paglalakad at tiningnan si Fiona ng bigla nalang itong napangiwi sa sakit. I was about to come into her when Trever passed me and hold both of her shoulders. My eyes landed to Fiona's legs and I saw a little black marks. I hurriedly come to her and pushes Trever away and kneeled down.
Nilapit ko ang mukha ko at tiningnan ng mabuti ang black marks, and I saw some thorns. W-wait! Thorns?! Sh*t! It's possible that someone is here, watching us.
"Someone is here." Saad ni Tyrone. I think, he also thought what i thought.
"Be alert." saad naman ni Frost kaya tumango kami.
"Can someone get away those thorns?" Tanong ko habang nakaturo sa black mark.
"Thorns?" Treves asked while his forehead knot. I nod.
"I can." Napatingin naman ako kay Alyana nang lumuhod ito at tinapat ang palad niya sa black mark. I think she's trying to take that thorns out of Fiona's legs by using her power.
Nang matanggal na ang mga thorns ay laking gulat nalang namin ng bigla nalang lumaki 'yung black mark at parang nasusunog na ang balat niya kaya hiyaw ng hiyaw si Fiona sa sakit. Hindi ko rin maiwasang mag-alala. Sh*t! What kind of wound is this?!
"What the?!"
I froze when many arrows are going to our way. Mabuti nalang at nakagawa kaagad si Tyrone ng Fire Barrier.
Tinapat ko ang palad ko sa hita ni Fiona at nagpalabas ng ice, that can calm her wound at hindi naman ako nabigo. Unti-unti nang naglaho ang sugat niya kaya tumayo na ako. Napatulala ako sa nakita ko. Maraming tao ang nakasuot ng itim na kapa ang pumapalibot sa amin at 'yung kaninang matataas na damo ay nasunog na. Maybe, Tyrone used some force to make this place burned.
Para akong napako sa kinatatayuan ko nang sabay sabay kaming inatake no'ng mga taong naka-itim na kapa.
"Oh, ano mga bata? Scared?" Mapang-asar na saad no'ng lalaki na sa tingin ko ay lider nila. Darn! I want to disappear that annoying smirk of that annoying creature!
Muntik na akong matumba sa lupa dahil sa biglaan nitong pagyanig, tsaka ko lang napansin na ginamit pala ni James ang kapangyarihan niya para yumanig ang lupa.
"Darn! I can use my power with all of my strength because of the fire barrier!" Sigaw ni Krystal.
"Me too!" Pagsasang-ayon naman ni Trixie.
"Phoenix! Pwede mo na bang alisin ang barrier para magamit na namin ang kapangyarihan namin?!" Rinig kong tanong ni Frost sa kanya. Tumango lamang si Tyrone at sa pagkawala ng barrier ay do'n na namin sinimulang labanan ang mga taong naka-itim na kapa. No'ng una ay may mapaglarong ngisi pa sila ngunit napalitan ito ng pagka-kunot ng noo ng mapansin nilang malalakas na pwersa ang ginagamit namin aa kanila.
I was fighting with this guy na 'yung mukhang lider nila. Nakita ko siyang nagpalabas ng maraming dark ball at pinapunta sa direksyon ko, agad din naman akong nagpalabas ng mga ice ball at sinalubong ang mga atake niya. Hindi ako magpapatalo noh!
"Kung ako sayo bata, sumuko ka na. Hindi mo ako matatalo." nakangising saad niya, napairap nalang tuloy ako.
"Excuse me, Mister, pero hindi na ako bata." walang ganang saad ko.
"Tapang tapangan eh?" Nakangisi parin siya habang pinapa-ulanan ako ng mga needles kaya puro iwas lang ako pero may tumama sa kaliwang balikat at sa binti ko. Naramdaman ko ang pamamanhid ng aking buong katawan kaya napaluhod ako.
"See? Sumuko ka nalang, wala ka ring mapapala kung lalabanan mo ako'ng bata ka."
"Darn! Sabi nang wag mo akong tawaging bata eh! Palibhasa kasi mukha kang matanda!" Galit na singal ko sa kanya. Nakita ko ang pag-iba ng aura niya at lumapit sa akin. Nang nasa harapan ko na siya ay bigla niya akong sinakal.
Naalala ko ang mga mahal ko sa buhay. Ganito pala ang feeling no? Mare-realized mo lang na importante ka kapag nasa bingit ka na ng kamatayan. Dapat na ba akong umiyak? Sh*t! Di pa ready ang kabaong ko! Sana kung mamatay man ako ay bibilhan ako nina Lola at Lolo ng pink na kabaong!
Napapikit ako ng mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasakal niya sa akin. Nakita ko ang pag-ngisi niya ng malademonyo.
"DIE!" Saad niya at may nilabas na silver knife sa pantalon niya kaya napapikit ako. Damn! I can't die like this!
Nagulat ako nang bigla nalang tumalsik 'yung lalaking sumakal sa akin kaya napa-upo ako sa lupa habang hinahabol ang paghinga ko. Naramdaman ko rin ang panghihina ng katawan ko at hindi ko alam kung bakit.
"Sh*t! Ellyce! Are you okay?! Ba't ka namumutla?!" Hindi ko na maaninag kung sino 'yung nagsalita dahil bigla nalang naging blur ang paningin ko.
"Hahahaha! Ano akala niyo sa akin?! May lason 'yung karayom na inatake ko sa kanya!" Rinig kong sabi ng kung sino man.
Pinikit ko muli ang mga mata ko, umaasang magiging maayos pa ang paningin ko ngunit sa muling pagkadilat ko ay ganoon parin ang resulta. Hindi ko na rin maramdaman ang katawan ko at wala na rin akong marinig na mga ingay. Then everything went black.
>>>
Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Pagkadilat ko ay ina-aninag ko pa ang buong lugar and I found out na nasa isang kwarto ako. Napatingin naman ako sa gilid ko dahil naramdaman kong may gumalaw sa part na 'yon. Nakita ko si Tyrone na natutulog sa tabi ko kaya nanlaki bigla ang mga mata ko at mabilis na umupo. Sh*t! What the hell happened?! Bakit katabi ko siyang natutulog?! Bakit magkasama kami sa iisang kama?! At worst ay ginawa pa akong unan ng g*go!
Tinulak ko siya ng buong pwersa kaya nahulog siya sa kama. Napa-upo siya habang hinihimas-himas ang noo niya. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako natakot at tinaasan siya ng isang kilay. Narinig ko naman siyang nag 'Tss' bago lumabas ng kwarto. Tsk, what's with him? Beast mode lang ang peg?
Tumayo ako at binuksan 'yung isa pang pinto na nasa loob ng kwarto at napagtanto kong banyo pala ito, nakita ko rin ang mga kakailanganin ko sa pagligo kaya naligo na ako. Habang nagsasabon ako ay bigla ko nalang nasapo ang noo ko. Shet! Nakalimutan kong magdala ng tuwalya dito, darn! Bakit sa lahat 'yon pa ang nakalimutan?!
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng cr para malaman kung may tao ba sa labas. Mahirap na noh!
Mabilis kong sinara ang pinto nang bigla nalang may kumatok. Omyghad! Kinabahan ako do'n, pramis!
"Ellyce?" I sigh in relief when a familiar voice called me.
"Trix?" Tawag ko sa kan'ya.
"Where are you?" Trixie asked.
"At the bathroom. Can you hand me the towel?" I didn't hear her complained. Binuksan ko ang pinto ng konti nang marinig kong kumatok na siya. Agad kong kinuha ang towel sa kanya at nagtapis bago lumabas ng banyo.
Umupo siya na kama habang busy sa pagbabasa ng libro. White t-shirt, red skinny jeans at black rubber shoes lang ang suot ko. I was combing my hair when Trixie spoke.
"Kumain ka na. May pagkain na ang nakahanda sa mesa do'n sa kusina." She said. I didn't respond and thinking what happen after I collapsed. How did we ended up in this house? Did the enemy lose?
"How did we get in here?" I asked out of curiosity. She stopped reading and put her book down to her lap and looked at me. We're now facing each other.
"We didn't beat them. They disappeared so we decided to find a place we need to stay in. At tsaka may tanong ako," She said.
"What is it?" Tanong ko habang naka-kunot ang aking noo.
"Is there something going on between you and Tyrone?" Tanong niya na siyang ikinalaki ng mga mata ko. Saan naman niya napulot yang tanong na 'yan?
"What the?! Wala, malamang! at bakit mo naman natanong 'yan, ha?!" Saad ko sa kanya. Nakita ko naman siyang ngumisi na tiyak may kahulugan at tumayo. Tinapik niya ang balikat ko at lumabas ng kwarto kaya sumunod na ako. Tsk! 'Yung babaeng 'yon!
Pagkarating namin sa sala ay nadatnan ko ang mga kasama ko na nag-uusap. Nang mapatingin sila gawi ko ay ngumiti sila.
"Kamusta ang pakiramdam mo, Ellyce?" Tanong sa akin ni Treves.
"Okay lang naman," Simpleng sagot ko at naglakad patungong kusina. Pagkakita ko palang sa pagkain na nakahanda sa mesa ay agad kong napansin kung gaano ako kagutom kaya agad akong umupo at nilantakan--- este kinain ang mga nakahanda.
"Dahan dahan ka naman sa pagkain, baka mabilaukan ka." Napairap naman ako nang makita si Tyrone na umi-inom ng tubig.
Kain lang ako ng kain, not minding his presence hanggang sa matapos ako. I clean the table and wash the dishes bago linisan ang kusina.
Pumunta ako sa sala at umupo katabi ni Fiona. Nakita kong ayos na ang black mark na nasa hita niya.
"When are we going to continue the mission?" Krystal asked.
"Later," James responded.
"Ayon dito sa map, pupunta tayong north para sa isang gem." Sabi ni Treves.
"What kind of element?" Frost asked.
"The Fire Gem."
***