Chapter 19

1032 Words
CHAPTER 19 Ellyce. "Let's go," Sabi ni Tyrone kaya sabay kaming lahat na lumabas ng bahay na nirentahan namin kahapon. Habang naglalakad kami sa bayan ay hindi ko mapigilang pagmasdan ang paligid. Maingay ito at maraming tao ang naglalakad ng mabilis, marahil ay busy. May nakita rin akong mga nagtitinda ng mga kung ano-ano sa paligid. We're walking for like hours until we arrived in the... wait... Why are we here in this volcano? "Sigurado ka bang nandito ang Fire Gemstone, ha? Treves?" Paniguradong tanong ni Alyana. "Alyana, hindi nagsisinungaling ang mapa." nakita ko namang napa-pout si Alyana sa sinagot ni Treves sa kanya. "Let's start finding it," Saad ni Frost na sinang-ayunan naming lahat. Tiningnan namin ng mabuti ang buong paligid upang matagpuan ang Fire Gemstone ngunit hindi namin ito makita kahit saan. "I think, it's on the top of this volcano." James said. Sabay sabay naman kaming napatingin sa itaas ng bulkan. Sobrang taas. "Mahihirapan tayong akyatin yan dahil sa dulas ng lupa. I think we need a stair to arrived on top." Frost said. "I'll make the way," Saad ni James at hinawakan ang lupa. Nakita ko na unti-unting nagkaroon ng single stair ang lupa at pataas ito ng pataas. "Done." Sabi ni James kaya nagsimula na kaming umakyat. This is a good idea para hindi na kami mahirapan pang umakyat pataas, baka aabutin pa kami hanggang bukas. Pagkarating namin ay itaas ay agad naming hinananap 'yung Fire Gemstone. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid hanggang sa may nakita akong isang maliit na pulang bato na kumikinang. Hindi ako sigurado kung 'yon ba talaga ang Gemstone na hinahanap namin kaya mas lumapit pa ako hanggang sa maaninag ko ang totoong itsura nito kaya napangiti ako. Katulad ito nung picture na pinakita sa amin ni Head Master, ito na nga ang Fire Gemstone. "Guys! I found it!" Sigaw ko. Agad naman silang nagsilapitan sa akin at napanganga ng makita ang pulang bato na kumikinang. "Kunin na natin." Saad ni Alyana. She was about to touch the gemstone when someone spoke that made us froze in our place. "Who are you? Are you one of those intruders?" Sabay sabay kaming napalingon sa likuran namin kung saan nanggagaling 'yung boses at do'n namin nakita ang isang lalaki na nakapulang kapa at may takip na mask sa mukha. Takot ba s'yang magkasakit? Wow! Ang arte ni kuya ah! "We're not one of those intruders. We we're sent by the person who gave us this mission and that is to find the Five elemental gemstones." Frost said. "Well, show me a prof that you're really deserve to have the Fire Gemstone." Matapos niyang sabihin 'yon ay agad niya kaming inatake ng mga fire balls kaya todo sangga naman kami. May nakita akong isang malaking fire phoenix na papunta sa akin, bago pa ako makagawa ng barrier ay may lupa nang biglang umangat sa harapan ko at sinangga ang fire phoenix na patungo sa akin. Napatingin naman ako sa may gawa nito at do'n ko nakita si James na nakataas ang dalawang kamay na nakatapat sa lupang humarang sa akin mula sa Fire Phoenix. "You okay?" Tanong niya nang makalapit sa akin. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot at nagpalabas ng mga ice spikes sa aking mga palad at inatake yung nakapulang kapa. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi parin namin natatalo 'yung lalaki na nakasuot ng itim na kapa na may halong pula. Maraming pawis na rin ang tumulo sa aking mukha at panay habol ng aking hininga, ganoon din ang mga kasama ko. "You're great, but not that strong. I fight with you to prove that you are really not an enemy. And now, I decided to give you the Fire Gemstone because I sense that your a good immortal. And by the way, I'm Firein. The holder of the Fire Gemstone." After niyang sabihin 'yon ay lumapit siya sa lugar kung saan 'yung Fire Gemstone at kinuha ito. Naglakad ulit siya papunta sa amin at binigay kay Alyana ang Fire Gemstone, agad naman niya itong tinanggap at ngumiti kay Firein. "Please take care of that gem for me." Tumango kami bilang respond sa sinabi ni Firein sa amin bago bumaba ng bulkan gamit 'yung hagdanan na ginawa ni James kanina. Finally, we have the Fire Gemstone. "Where is the next destination, Treves?" Tanong ni Tyrone kay Treves nang makababa kami sa hagdan. Tiningnan naman ni Treves ang mapa bago sumagot kay Tyrone. "Our next destination is on Araya. Earth Gemstone ang susunod nating hahanapin, there's the way." Sabi niya sabay turo sa may kanang bahagi ng lugar kung saan kami nakatayo. Nagsimula ulit kaming maglakad do'n sa direksyon na tinuro niya. I think, this will be a long adventure time again. >>> Sa ilang oras rin kaming naglakad ay finally, nakarating narin kami sa patutunguhan namin. It was like we're walking for almost five hours at madilim na ng makarating kami sa bayan ng Araya. Feeling ko, namamaga na ang mga paa ko at sobrang sakit narin ng mga binti ko sa kakalakad. "Maghanap na tayo ng bahay na pwede nating tuluyan ngayong gabi. Sobrang sakit na ng mga paa ko sa kakalakad natin kanina." Krystal said, kinda exhausted. "Yeah, you're right." I agreed. "Masakit na ang mga paa mo?" Tyrone asked. Hindi ko alam na katabi ko na pala siya. "Yeah," I answered, honestly. Hinawakan naman niya ang wrist ko at pinaharap sa kanya. Napatingin ako sa kanya habang naka-kunot ang aking noo. "Do you want me to carry you?" He suggested. Umiling ako bilang pagtangi sa inalok niya at patuloy na naglakad kasunod ng mga kasama namin. Hindi nagtagal ay nakahanap na rin kami ng matutuluyan ngayong gabi. Pagkapasok namin sa bahay ay agad kaming nagsipagbagsakan sa sahig. Hays! Napagod ako ngayong araw. "Frost? Nakabili ka ba ng pagkain kanina sa labas?" Rinig kong tanong ni Alyana kay Frost. "Ah, oo." Sagot naman ni Frost sa kanya. Bigla ko namang naisip si Ice. Inalagaan kaya siya ni Kuya nang mabuti? Eh si Kuya? Kumusta na siya? Sina Lolo at Lola? I sighed. Namimis ko na sila. I hope that they are doing fine right now. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD