Chapter 01

1316 Words
CHAPTER 1 Third Person's POV "Mahal na Reyna! Tumakas na po kayo, delikado na po dito!" Natatarantang sigaw ng lalaking kawal. Hindi maiwasang mag-alala ng Reyna dahil kasalukuyang nakikipaglaban ang Hari at nasa panganib ang buhay ng kanyang anak na kasalukuyang hawak niya ngayon. Pinalibot niya ang tingin sa buong paligid at mangiyak-ngiyak na niyakap ang anak niyang babae. Umaalingaw-ngaw sa buong paligid ang tunog ng mga bombang sumabog at nga pader na unti-unting gumuguho. The surrounding is also slowly filled by smoke. Hindi naman nakakasulasok, but smoke is bad for the baby! Kaya mahigpit niya itong niyakap at tinakpan ng puting kumot pero sapat na upang ito ay makahinga. Napahinto siya sa pagtakbo nang palibutan siya ng mga Dark Wizards. Using her remaining strength, she fights with all her might. Kailangan niyang protektahan ang kanyang anak dahil ito naman talaga ang pakay ng mga kalaban kaya ito sumugod ngayon. Pero hindi. Hindi niya ibibigay ang anak. Mamamatay muna siya bago mangyari iyon. Kung kailangan niyang isakripisyo ang sarili, gagawin niya. There's no way in hell she would give them a satisfaction. Agad namang dumating ang mga guardians ng Reyna at prinotektahan siya. "Ibigay niyo na sa amin ang batang 'yan kung ayaw niyong mamatay lahat!" galit na sigaw ng isa sa mga Dark Wizards at sabay sabay na naglabas ng armas. "Hindi namin hahayaang mangyari 'yan! Hinding hindi namin ibibigay ang Mahal na Prinsesa sa inyo! Mamamatay muna kami bago niyo maisagawa ang mga plano niyo!" sabi ng isa sa mga guardians ng Reyna. "Kung ganoon, wala na kaming magagawa kundi ang patayin kayo." sabi ng isang Dark Wizard na puno ng galit. "Mahal na Reyna, kung maaari po'y tumakas po kayong dalawa ng anak mo habang nakikipaglaban kami dito. Gamitin niyo po ang portal para makatakas dito." bulong ng isa sa mga guardians ng reyna sa kanya. Kahit labag sa kalooban ay tumango nalang siya. Sumugod na ng mga Dark Wizards sa pwesto ng reyna kaya agad siyang pinalibutan ng kanyang mga guardians. "Tumakbo na po kayo, Mahal na Reyna." sabi naman ng isa sa mga guardians ng Reyna kaya agad siyang tumakbo habang bitbit parin ang bata hanggang sa makarating sila sa loob ng isang silid. Gumawa siya ng isang portal at dali-daling pumasok sa puting usok. Pagkalabas niya ay agad na tumambad sa kanya ang mga naglalakihang gusali. Naglakad ulit ang Reyna hanggang sa mapagod siya. Huminto muna siya at umupo sa lupa habang nakasandal sa isang lamppost. Niyakap niya ang kanyang anak habang humihikbi. Sa hindi kalayuan, isang mag-asawa ang napahinto sa paglalakad at napatingin sa Reyna. Nang makita na nila ang buong mukha ng babae ay gulat ang remehistro sa mukha ng mag asawa. Bagama't kilalang kilala nila ito. "M-mahal na Reyna? A-ano pong ginagawa niyo dito?" Takang tanong no'ng babae. Kahit hindi tanungin, alam ng reyna na kauri nila sila. Ramdam na ramdam niya ang kakaibigang aura na nakatago sa loob ng katawan nila. Napatingin ang Reyna sa mag-asawa ng wala sa oras. Tumayo ang reyna at hinarap ang dalawa. Nagulat ang mag-asawa nang ibigay sa kanila ng Reyna ang isang sanggol na mahimbing na natutulog. "A-ano po ang gagawin namin dito?" Tanong ng lalaki sabay turo sa bata na kasalukuyang hawak ng kanyang asawa. "Alagaan niyo siya ng mabuti. Pakiusap, nagmamakaawa ako, nasa panganib ang buong kaharian ngayon dahil sa pagsugod ng mga Dark Wizards." Naiiyak na sabi ng Reyna. "O-opo. Masusunod po, Mahal na Reyna." sabi ng mag-asawa kaya binuksan ulit ng reyna ang portal at bumalik sa kanyang pinanggalingan. ~*~ "Anak, Ellyce..." "Sino 'yan?" Nagpalinga linga ang babaeng nagngangalang Ellyce paligid upang hanapin 'yung pinanggalingan ng boses hanggang sa mapadpad ito sa isang babaeng mala-Reyna ang kasuotan. Hindi niya maaninag ang mukha niya dahil narin sa liwanag na nasa likuran nito, sobrang nakakasilaw at halos hindi niya magawang tingnan ito ng matagal. "Sino ka?" tanong niya ulit. "Anak, mag-iingat ka palagi, sana wag mo kaming kakalimutan ng iyong Ama." Napakunot ang noo niya "Anak? Ama? Teka! Sino ka ba? hindi kita maintindihan." "Sanayin mo ang iyong kapangyarihan at wag kang magtitiwala sa kahit sino man. Anak, tandaan mong ikaw ang pipili ng iyong kapalaran. Sana... piliin mo kung ano ang nakakabuti para sayo at iligtas ang mundo natin laban sa kasamaan." matapos niyang sabihin 'yon ay bigla nalang siyang naglaho do'n sa liwanag. ~*~ Ellyce. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko. Agad akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman kong medyo nananakit ito. That dream again. Ilang beses na ba akong nanaginip ng ganoon? Hindi ko na mabilang. I don’t know why though. Hindi ko alam kung para saan ‘yon. Napabuntong hininga nalang ako at naisipang mag-jogging muna. Suot ko ngayon ang isang short at sports bra tsaka pinatungan ko ng black jacket. Then a black rubber shoes, tsaka tinali ko na rin ang buhok ko, at dala ang aking mp3, lumabas na ako ng aking kwarto. Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko si Grandma na nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape. Nang makita niya ako ay binigyan niya ako ng isang ngiti. Sina Grandma at Grandpa na ang nag-alaga sa amin ni kuya simula no'ng mamatay ang mga foster parents ko or should I say na pinatay ng mga hayop na Dark Wizard na 'yon. At dahil do'n ay sina Lola at Lolo na rin ang nagsanay sa amin ni kuya kung paano kontrolin ang mga kapangyarihan namin. Yes, you read it right. We had a power pero magkaiba kami. Kasi nga, 'di ba? Ampon lang ako at anak nila Mom and Dad si Kuya kaya hindi kami magkadugo. Sand manipulator at teleportation si Kuya, at ako naman ay kayang kontrolin lahat ng kapangyarihan. Yes, lahat ng kapangyarihan ay meron ako. Gaya nalang ng yelo, tubig, apoy, hangin at marami pang iba. Alam kong imposibleng makontrol ng isang immortal ang lahat ng kapangyarihan, pero hindi ko na quenistyon sina Mom and Dad kung bakit meron ako lahat ng kapangyarihan. "Ang aga mo namang nagising, apo. May pupuntahan ka ba? Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong niya. "Naalingpungatan po kasi ako eh, kaya mag-jojogging nalang po ako." sabi ko at ngumiti ng malumanay. "O sige, mag ingat ka, ha?" paalala ni Lola. Tumango lamang ako at lumabas na ng bahay. I was welcomed by the cold air and silent road. Sinuot ko nalang ang headphone ko at nakikinig ng music habang tumatakbo. Minutes turn to hours, naisipan kong magpahinga muna. Umupo ako sa bench na nasa park ng village at tinanggal ang headphone sa akin tenga at tiningnan ang paligid. Agad na napakunot ang noo ko nang may mapansin akong kakaiba. Parang may nakikita ako sa likod ng malalaking halaman ng isang bahay. I'm not sure if I saw it right, but it's a built of human. Nagkabit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagtakbo. >>> Nakailang libot narin ako sa village namin bago umuwi sa bahay para gawin ang aking morning routine. Nga pala, first day of school namin ngayon ng kuya ko at nasa college na kami ngayon. HRM ang kinuha kong kurso at kay kuya naman ay Medicine. Kasalukuyan akong narito sa banyo ng aking kwarto. Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Mariin kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. I have this very pink eyes na aakalain ng iba na contact lens lang. Hindi ko alam pero parang may ipinapahiwatig ang mga mata ko. Hindi ko lang alam kung ano. Sometimes, I found it weird. Tuwing kaarawan ko kasi ay nagliliwanag ito. Pagkatapos kong gawin ang aking morning routine ay bumaba na ako at nadatnan sina Lola, Lolo at Kuya na kumakain. Binati nila ako ng good morning kaya binati ko rin sila pabalik. Pagkatapos no'n ay umupo ako sa tabi ni kuya at nagsimulang kumain. Pagkatapos naming kumain ay sumakay na kami sa kotse at si Kuya na ang nagpresintang magdrive papuntang school. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD