CHAPTER 2
Ellyce.
Nang ma-park ni Kuya ang sasakyan ay sabay kaming bumaba at nagsimulang maglakad. Habang naglalakad kami ni Kuya sa hallway ay agad na nabaling sa amin ang tingin ng mga estudyante na aming nakakasalamuha. Argh! I hate attention!
"Omygosh, girl! Ang gwapo no'ng guy, kaso mukhang taken na."
"Oo nga, mygosh! Sino kaya 'yang kasama niyang girl?"
"Ang ganda no'ng girl, bagay sila."
Hindi ko alam kung bulungan ba 'yon o sadyang pinaparinggan lang talaga nila kami. Rinig na rinig ko kasi eh. Napagkamalan ba naman kaming mag-jowa ni kuya? Kung merong good side, siyempre, mawawala ba ang bad side? Tsk! Those insecure froglets.
Dumeretso kami ni Kuya sa Dean's office para kunin ang schedule namin. Pagkarating namin ay kinuha agad namin ang aming kailangan at pumunta sa assign room namin.
Nagkahiwalay kami ni Kuya ng daan kasi nga, 'di ba? HRM 'yung sa akin tapos sa kanya ay Medicine.
Nang nasa tapat na ako ng classroom namin ay kumatok muna ako ng tatlong beses kasi nakasarado 'yung pintuan. Binuksan naman ito ng isang lalaking mukhang masungit na sa tingin ko ay prof namin.
"What do you want, miss?" May pagka-iritang tanong niya sa akin.
"I'm the new student here. Can you please let me in?" Cold kong sabi, nakita ko naman siyang napalunok ng laway. Tsk, hindi ako sanay na makipag-plastikan lalo na sa mga taong hindi naman worth it ang kabaitan na tinataglay ko. Though, hindi naman ako mabait, minsan lang.
Pinapasok niya ako kaya tumayo ako sa harapan at nagpakilala. This is one of the reasons why I hated first day in school. Introductions. Bakit ko pa kailangang magpakilala kung sa di kalaunan ay malalaman rin naman nila ang pangalan ko kapag nagtagal ako rito?
"I'm Kyline Ellyce Ariana Alcantara, 17." sabi ko at umupo sa vacant seat na katabi lang ng bintana. I'm too lazy to speak.
"Okay class, I'm Nestor Rodriguez, your adviser." pakilala ni sir at nagsimulang mag-discuss.
>>>
"Okay, class dismissed." sabi ni sir. Nakita ko naman na nag-uunahang lumabas ang mga kaklase ko. Tsk! Lunch time nga naman oh, favorite subject ng lahat.
Inayos ko na ang mga gamit ko at naglakad palabas ng classroom. Paglabas ko ay nakita ko si Kuya na nakasandal sa tabi ng pintuan ng classroom namin. Grabeh 'tong taong 'to. Hindi man lang ba siya nakaka-feel ng awkwardness sa mga malalagkit na tingin sa kanya ng mga babae dito? Well, hindi ko naman talaga maipag-kakaila na may itsura ang taong 'to kahit papaano at kahit ampon lang ako, tiwala naman akong wala kaming kalahing pangit no!
"Ba't ang tagal mong lumabas? Alam mo bang nagugutom na ako?" reklamo niya.
Umismid ako. "Tsk, lets go." cold na sabi ko.
"Wooh! Ang cold mo talaga sis, pahinging jacket!" Hindi ko nalang siya pinansin at naunang maglakad at dumeretso sa canteen.
Canteen.
"2 cheese burgers, 3 Regular fries, 2 lasagna, 2 slice of Chocolate cake, 1 box of pizza, 'yung pepperoni ah, and 1 soft drink." Sabi ko sa cashier.
"Wow! Ang bait mo talaga sis at nagawa mo pang manglibre sa akin." kuya said while smiling widely.
"Duh! Asa ka namang ililibre kita. Akin lang ang lahat nang 'yan kaya umorder ka ng sa'yo." sabi ko sabay irap sa kanya. Nakita ko naman siyang nagpout. Eww gross.
Umorder nalang din siya ng sa kanya. Nang ibigay na ang order namin ay naghanap na kami ng upuan. Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong isang bakanteng upuan sa pinakadulong bahagi ng cafeteria.
Nauna akong maglakad at sumunod naman si kuya sa akin. Pagkaupo namin ay nagsimula na kaming kumain. Mahirap kayang kalabanin ang gutom.
"Kamusta ang class niyo?" Biglaang tanong ni kuya.
"Boring. As always." walang emosyong saad ko. Nakita ko naman siyang napailing nalang.
"Hi, Asher! Pwedeng makishare ng upuan? Wala na kasing vacant eh." malanding saad ng isang babae na maganda sana kung hindi ginawang coloring book ang mukha.
"Uhm, I'm sorry miss. Hindi kasi gusto nitong kasama ko na may kasama kaming iba na hindi niya kilala eh." nakangising sabi ni kuya habang tinitinginan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napalunok siya at umiwas ng tingin. Ina-asar niya ako kasi alam niyang ayaw ko ng may kasamang kumain na hindi ko kilala.
Kakausapin na sana ako no'ng babae ngunit bago pa man niya magawa 'yon ay tumayo na ako at nilisan ang lugar.
Naglibot libot nalang ako sa school hanggang sa mapadpad ako sa isang garden. Pumasok ako at inakyat ang nag-iisang puno dito. Humiga ako sa sanga habang nakasandal sa pang-itaas na trunk. I find my self comfortable in this peaceful place. Gusto ko kasi sa lugar na tahimik at walang gulo. Isinealed ko ang aking kapangyarihan para walang makaramdam ng presensya ko. Hindi nalang papasok sa klase. Tsk! Bahala sila. I close my eyes and drop off to dreamland.
>>>
Nagising ako nang may marinig akong nag uusap. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog. Napatingin ako sa baba at do'n ko nakita ang isang babaeng kaharap ang isa ring babaeng nakasuot ng itim na kapa.
"B-bakit? A-anong kailangan mo sa akin?" Kinakabahang tanong no'ng babae.
"Hmm... okay ka na siguro." Sabi no'ng babaeng nakaitim na kapa habang nakangisi.
Maya maya pa ay bigla nalang naging isang itim na usok 'yung babaeng nakasuot ng itim na kapa at pumasok sa katawan no'ng isa pang babae. Napamura nalang tuloy ako. Umalis na 'yung babae palabas ng garden. Holy s**t! Kailangan kong makita si kuya as soon as possible!
Tumalon ako pababa ng puno at tumakbo palabas ng garden. Alam ko ang balak no'ng babaeng naka-itim na kapa. Alam kong nakaramdam siya ng kakaibang presensya dito sa school kaya siya pumunta dito. At Alam ko rin kung taga saan siya. Fvck! That girl wearing a black cloak is from Dark Wizards! Yes! I know them. And I will never forget those fvckers!
Takbo lang ako ng takbo hanggang makita ko si Kuya na nakasandal sa tapat ng locker ko. Mukhang hinihintay na niya ako. Akmang lalapit na sana ako sa kanya nang makita ko rin 'yung babaeng palapit na rin sa kanya. Hindi ako nakita ng babae dahil na kay kuya lang ang buong atensyon niya. Pero bago pa man siya makalapit ay may kumalabit sa kanyang dalawang babae kaya nawala ang konsentrasyon niya kay Kuya. Mukhang kaibigan sila ng babaeng sinapian niya. Agad akong tumakbo kay Kuya at hinila siya papalayo sa lugar na 'yon.
Nagpadala nalang rin siya sa akin kaya isinakay ko na siya sa kotse at ako na ang nagprisintang mag-drive. No'ng una ay nagtaka siya kung bakit pero nung ikwenento ko sa kanya ang dahilan habang nagda-drive ako ay bigla nalang nagdilim ang kanyang mukha na para bang gusto niyang patayin yung babaeng 'yon. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit naging ganun ang naging reaksyon niya. 'Yung mga Dark Wizards ang dahilan ng pagka-ulila ni kuya sa mga magulang niya, pati narin ako.
***