TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!!
○○○EZEKIEL POV○○○
Nagising ako na wala na si Mr. Parker sa loob ng silid kung saan niya ako inangkin kagabi.
Pinilit ko ang bumangon kahit na pakiramdam ko na nabugbog ang katawan ko kagabi kahit hindi naman.
Napangiwi ako ng makaramdam ako ng kirot sa bahaging iyon ng pang upo ko napatagilid ako ng upo.
"Gising na po pala kayo, sir." Napalingon ako sa babaeng nagsalita na kapapasok lang ng silid.
May dala itong tray ng pagkain.
"Kumain na po muna kayo. Bilin po ni sir Drake na ako ang mag aasikaso sa lahat ng kailangan niyo sa pananatili sa bahay na ito." Mahaba nitong sabi na nagpapaliwanag. Inilapag sa lamisita ang dalang pagkain.
"Tawagin niyo na lang po akong Ate Wilma. Iyon po ang pangalan ko. Kung may kailangan pa po kayo huwag po kayong magdadalawang isip na tawagin ako. Nasa labas lamang ako." Kuway pakilala pa nito. "Sige po. Maiiwan ko na po muna kayo para makakain."
"Maraming salamat." Tanging nasabi ko kahit na napakaraming katangunan ang gusto ko kung mabigyan ng kasagutan.
Lumabas na ito kaya nagpasya naman akong ayusin muna ang sarili ko bago ko kainin ang naihanda nito. Hindi ko naman gugutumin ang sarili ko kahit na ayaw ko dito sa bahay kung saan ako dinala ni Mr. Parker.
Kailangan kong magtiis hanggang sa muli akong i pacheck up nito para alamin ang kalagayan ko kung may laman na ba ang tiyan ko.
Kahit papaano ay hindi ako madalas iiwas kay Mr. Parker dahil hindi na siguro ito babalik sa bahay na ito ngayon dahil tapos na ang isa sa nasa kuntrata namin. Hihintayin ko na lang araw ng pagpapacheck up ko na sana nga ay nakakuha na ako para masimulan ko na ang magbilang ngayon hanggang siyam na buwan.
Hindi naman siguro ako mahihirapan o papahirapan ng pagdadalang tao ko kung sakali.
Ahh! Hindi dapat iyon ang isipin ko ngayon dahil wala pang kasiguraduhan na mabubuntis nga akp agad.
What if kaya na hindi pala ako nakakuha kagabi? Ano pala ang mangyayari? Ididispose na ba niya ako o mauulit ang nangyari kagabi?
Napailing ako dahil siguradong hindi na mauulit ang nangyari sa amin kagabi ni Mr. Parker dahil sinabi naman niyang minsan lang iyon at hindi na kailangang maulit pa.
Kaya napaisip ako na baka hindi ako mabuntis tapos matatapos agad ang kontrata namin. Pero paano ko mababayaran ang mga naitulong na nito sa amin ng itay. Papabayaran ba niya iyon?
Sana naman hindi na dahil ginawa ko naman ang best ko kung sakaling hindi magbunga ang nangyari sa amin kagabi.
"Ay!" Napahiyaw ako dahil nagulat ako sa tubig na lumabas sa water filter ng buksan ko ang fauset. Ang lamig kaya muli kong isinara iyon.
"Sir, ayos lang ba kayo jan?" pasigaw na tanong na may kasamang pagkatok mula sa labas ng banyo. Nahimigan ko ang pag aalala nito.
"Ayos lang ako." ganting sigaw ko dahil narin sa hindi masyadong marinig. Lumapit pa ako mismo sa pinto. "Huwag kang mag alala. Nagulat lamang ako sa lamig ng tubig." pagpapaliwanag ko.
"Ganun po ba sir, mag ingat po kayo. Kung may kailangan kayo ay tawagin niyo lang ako."
"Sige. Salamat ulit." Bumalik ako sa shower at napansin kong may heater naman pala ay tinimpla ko muna ang tubig sa maligamgam lamang at agarang naligo pagkatapos.
Ng magbibihis na sana ako ay duon ko napansin ang kaisa isang marka sa leeg ko ng matapat ako sa salamin at iyon ay naiwan tanda ng nangyari kagabi. Hindi ko maalala kung kailan iyon ginawa ni Mr. Parker? O sadyang hindi ko na lang matandaan dahil hindi naman duon natuon ang pansin ko.
Sa naisip kong natandaan ko ay bigla akong nakaramdam ng pag iinit ng mukha. Tinapik ko ang pisngi ko para alisin sa isipan ko ang nangyari kagabi saka ko na ipinagpatuloy ang pagbibihis ko.
○○○
Napatingin ako kay Mr. Parker ng may iniaabot sa akin paper bag. Tatlong araw simula ng gabing iyon at ngayon lang ito nagpakita sa akin.
"Para sayo. Bagong cellphone at number. Malinaw na siguro sa usapan natin na wala kang ibang kokontakin maliban sa akin . Nakapagpaalam ka naman siguro sa tiyahin mo at lalo na sa pinsan mong si Mr. Bejarin. At malinaw naman siguro na hindi mo sila sinabihan tungkol sa bagay na ito."
Pagtango na lang ang naging sagot ko sa sinabi nito. Malinamaw naman iyon simula palang kaya nakapagpaalam ako sa tiyahin ko at kay kuya Travis. Ang idinahilan ko ay mamamasukan akong katulong sa taong tumulong sa paglipat kay tatay. Ayaw man sana ni kuya Travis na lumayo ako ay hindi na din naman niya ako napigilan dahil wala naman na akong pagpipilian pa kundi ang magtago sa kanila at ilihim ang kalagayan ko ngayon.
Simula ng ilipat ako dito ni Mr. Parker ay kinuha na nito ang luma kong cellphone kaya wala na akong naging kontact sa kanila at ngayon ay binibigyan ako ng bago.
"Sa susunod na linggo ay babalik ako dito para sa paunang check up mo para malaman na kung may laman na ang sinapupunan mo. At bago dumating ang araw na iyon ay alagaan mo ang sarili mo at hindi ko malalaman na masasaktan ang katawan mo. Ingatan mo ang bawat galaw mo para mas makasiguro tayong malusog ang pangangatawan mo."
"Hindi mo kailangang magtrabaho o ano pa man. Ang sarili mo lang ang asikasuhin mo. Nandito si Wilma para magbantay sayo at magbigay lahat ng pangangailangan mo. Kaya hindi mo kailangang abalahin ang sarili mo sa ibang bagay maliban sa pag iingat mo mismo sa katawan mo." mahaba haba talagang paliwanag nito at pag papaalala sa akin.
Muli na lang akong tumango dahil iyon na lang naman ang maisasagot ko dahil wala akong karapatan pa para sa sarili ko simula ng pirmahan ko ang kontrata naming dalawa.
"Kung may hindi maganda kang nararamdaman ay kailangan mong itawag agad sa akin o sabihin iyon kay Wilma at siya na mismo ang magsabi sa akin. Tandaan mo lahat ng bilin ko sayo at sana nagkakaintindihan tayong dalawa sa lahat ng bagay patungkol sa kalagayan mo."
"O-oo." matipid kong sagot.
"Good. Mabuti na ang malinaw ang lahat para walang maging problema."
Hindi na ako sumagot. Inabala ko na lang ang sarili ko na tignan ang binigay niyang cellphone sa akin at tinignan na nga ang laman nun. Tanging ang number lang niya ang nakasave sa cellphone na bigay niya.
"Iwasan mo din ang gumamit ng social media para na rin makaiwas sa mga katanungan sa mga kamag anak mo."
"Oo, alam ko."
"Sige. Hindi na ako magtatagal. Babalik na lang ako limang araw mula ngayon." Hindi pa man ako nakakasagot at mabilis na tumalikod ito at lumabas na ng bahay.
Narinig ko na lang ang ugong ng sasakyan nitong palayo kaya alam kong nakaalis na ito ng tuluyan,.
Ano pa nga ba ang aasahan ko. Kaya hindi ko na aasahan na magiging maganda nga ang pakikitungo nito sa akin. Kung magiging mabait man ito sa akin ay dahil ako ang magdadala ng anak nila ng asawa nito. At hindi talaga sa akin ito nag aalala kundi sa batang dadalhin ko para sa kanila.
ºººDRAKE POV:ººº
Sumalubong sa akin si Matilde ng makauwi ako galing ng kompanya.
"Dumaan ka sa bahay na iyon?"
Kahit hindi ko siguro ito tignan ay nasa tinig na niya mismo ang pagkadisgusto sa naging pagsalubong sa akin.
"Oo." totoong sagot ko dahil hindi ko naman kailangang magsinungaling dito at maglihim dahil wala akong gustong ilihim dito patungkol sa taong magdadala ng magiging anak namin. "Dinalhan ko lang siya ng mga gamit niya doon at mga kakailanganin."
"Hindi ka ba pwedeng mag utos para doon. Hindi mo naman kailangan ang personal na tignan siya." hindi niya talaga itinago ang pagkadisgusto sa naging pasya ko pero hinayaan ko na lang dahil hindi ko naman siya masisisi. Natural lamang iyon ngayon pero alam ko na kapag tuluyang nagbunga ang plano ko ay magiging masaya na siya.
"Hon. Kailangan kong makasigurado at makita mismo ang kalagayan niya ngayon. Iyon lamang ang dahilan kaya ako dumalaw doon. Ang masigurong malakas at malusog ang magdadala ng magiging anak natin para maging malusog din ang ipagdadalang tao niya."
"Pero hindi parin iyon sigurado sa ngayon? Paano kung hindi nagbunga? uulit ka pa ba? uulitin mo ba ang galawin ang taong iyon hanggang sa magbunga?"
Umiling ako. Hindi na iyon mauulit pa dahil sigurado akong nakakuha na ito ng gabing iyon. Ano ang silbi ng pagbibigay payo ng doctor kung hindi iyon magiging ipektibo.
"Huwag mo kasing iisipin na hindi iyon magbubunga, hon. Para sa ating dalawa ang ginawa ko. Para sa pagbuo ng ating pamilya."
Seryuso parin itong nakatingin sa akin. Wala akong ibang mabasang imosyon sa kanyang mga mata maliban sa pagkadisgusto.
"Limang araw mula ngayon ay pupuntahan ko ulit siya para ipacheck up ng malaman na ang kalagayan niya. Gusto mo na bang sumama sa akin para sabay nating malaman ang magandang balita?"
"Hindi ko alam. Alam mong hindi ko pa tuluyang natanggap ang plano mo kaya pag iisipan ko. Pero kung hindi nagtagumpay ang plano mo sa araw na iyon ay ako naman ang pakikinggan mo at sa ayaw o sa gusto mo ay mag aampon tayo." may diing sabi niya sa akin.
"Okay. Ikaw ang bahala. Wala na akong balak pang ulitin iyon kaya kung hindi iyon nagtagumpay ay ikaw ang masusunod. So, gusto mo ba akong samahan sa araw na iyon?" Muli kong tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot pero di ko na siya pinilit pa. Hinawakan at hinila ko siyang payakap sa akin para tuldukan na naman ang naging usapan namin ngayon. Kahit na alam kong muli iyong mabubuksan pa sa mga darating pang mga araw at ipaparamdam parin ang pagkadisgusto niya.
Pasasaan ba at lalamig din ang hindi namin pagkakaunawaan kapag tuluyan ng magkaroon ng katuparan ang mga plano ko.
ºººEZIKIEL POV:ººº
Dahil hindi ako nasanay na manatili na lang sa loob ng bahay ay hindi ako mapakali. Halos naikot ko na ang bahay kung saan ako ngayon nakatira pero nanatili ang pagkabagot ko lalo na at hindi naman ako pinapayagan ni Wilma na magtrabaho. Kahit na magwalis lang o magpunas man lang ay hindi ako nito pinayagan.
Kaya heto ako ngayon at nag iisip ng magagawa habang naghihintay sa naitakdang araw ng check up ko. Sana nga mabilis na lang lumipas ang mga araw pero habang binibilang ko ang araw ay para namang bumabagal ang takbo ng oras.
"Tumingin ka sa daraanan mo, sir habang naglalakad. Baka madapa ka." si Wilma na nasa harapan ko na pala. Nakatingala kasi ako at pinagmamasdan ngayon ang mayabong na puno n sa likuran ng bahay.
Masasabi ko namang homey ang bahay na pinagdalhan sa akin ni Mr. Parker dahil malayo iyon sa publasyon at sariwa ang hangin. Ang hindi lang maganda ay ang walang kapit bahay. Kahit na saan ako tumingin sa paligid ay wala akong ibang makitang bahay maliban sa bahay na ito.
"Pwede bang Ezekiel na lang ang itawag mo sa akin." kuway sabi ko dito dahil dadalawa na nga kang kami ay ang pormal pa nitong makipag usap sa akin. Saka hindi naman ako ang nagbabayad sa kanya para pagsilbihan ako kaya hindi na nito ako kailangang tawagin ng ganun.
"Hindi ko po magagawa iyon sir."
"At bakit hindi? Si Mr. Parker lang naman ang boss mo kaya hindi mo kailangang itawag sa akin iyan. Ezikiel lang ay sapat na para sa akin."
"Pero.."
"Ezekiel. Pwede ba iyon ate Wilma?"
Hindi man sumagot ito ay alam ko namang mapagbibigyan ako sa bagay na iyon. Hindi naman mahirap ang hinihingi ko.
"Maglalakad lakad lang ako Ate Wilma." sabi ko ng muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad ko.
"Basta huwag kang lalayo at ang bilin sayo ni Sir Drake na mag ingat at huwag masaktan ang katawan mo. Para sa ikakabuti nating pareho, Ezekiel."
Napangiti na ako dahil sa pagtawag nito sa pangalan ko. Tumango ako bilang sagot at muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad ko sa maluwang na bakuran ng malaking bahay.
Sa pagalakad ko ay nawili na ako sa pagtingin sa mga ligaw na bulaklak ay hindi ko akalain na makakalayo ako sa bahay. Iginala ko ang paningin ko sa palagid at ngayon ay halos hindi ko na matanay ang bahay dahil na rin sa mga nagtatayugang puno sa paligid.
Babalik na sana ako pero nagpasya akong huwag na lang muna. Ito na ang pagkakataon kong lumabas kahit na lumabag ako sa usapan namin ni Mr. Parker. Gusto kong makita ang tatay kahit ngayon na lang. Dahil matagal ko itong hindi makikita kapag tuluyan na akong mabuntis sa magiging anak ng mag asawang Parker.
Tinahak ko ang kalsada at naghintay ng sasakyan dadaan at hindi naman ako nabigo. Pinara ko ang tricycle na agad namang tumigil at sinabi ko dito ang hospital kung saan naconfine ang tatay.
"Naku sir. Malayo po ang lugar na ito sa sinasabi niyo. Aabutin tayo ng tatlong oras sa biyahe kung sa tricycle lamang kayo sasakay." sabi ng driver ng naturang tricycle.
"Ganun ba? Mayroon bang ibang sakayan papunta doon?"
"Mayroon sir. Pwede ko kayong ipagdrive mula doon."
"Sige. Ganun na lang siguro." Sumakay parin ako. Mabuti na lang at mahilig akong magdala ng pera kahit na nasa bahay lamang ako. Iniligpit ko iyon sa likuran ng cellphone ko na may casing na doon ko madalas itinatago. At habang nasa biyahe ako ay tanging ang itay na lang ang nasa isip ko. Makikita at makakasama kahit na ilang oras lang bago ako babalik sa bahay ni Mr. Parker.
ººº
"b-bakit n-ngayon k-ka l-lang a-anak." ang tatay na ngayon ay nakakapagsalita na kahit papaano kahit mahina at pautal utal. Noong nasa dating hospital palang kami ay hindi pa ito nagigising simula ng maconfine pero ngayon ay nakakarecover na siya dahil sumailalaim na ito sa mga operasyon. Kahit na ang nasunog na katawan ay nagagamot na din ng maayos at nagsisimula ng maghilom na hindi tulad noon na makikita mo sa mga benda niya na namamasa iyon dahil na rin sa pananaba ng mga lapnos niya.
"Nagtratrabaho ako, itay para makabayad sa taong tumulong sa inyong mailipat dito. Kaya magpagaling kayo. Pasasaan ba ay makakalabas na din kayo dito at makakapamuhay tayo ulit ng maayos." maimosyong sagot ko tatay dahilan para hindi ko mapigilan ang pagluha. oo, lumuluha man ako ngayon ay hindi na tulad ng dati na iniiyakan ko ang mahirap naming kalagayan pero ngayon ay luha na iyon ng kasiyahan dahil nagbubunga na ang paghihirap ko sa pagpapagamot sa kanya.
"H-huwag k-kang u-umiyak a-anak. G-gagaling d-din a-ang t-tatay."
Tumango ako na may ngiti sa labi habang pinupunasan ko ang mga mata ko para hindi na ako maiyak pa. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkilos ng kaliwang kamay ni itay na hindi pa niya maigalaw ng maayos kaya naman ako na mismo ang humawak doon.
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga sa kaalamang unti unti ng gumagaling ang tatay. Hindi na ako masyadong mag aalala ngayon dahil naipangako naman sa akin ni Mr. Parker na habang nasa loob ako ng kontrata namin na hindi papabayaan ang tatay. Kailangan ko lang magpaalam ngayon kay tatay na ito na muna ang huli kong pagbisita sa kanya.
"B-bakit anak? S-saan ka pupunta?" tanong ng tatay sa akin ng nasabi ko na ang hindi ko pagbisita sa kanya sa mga susunod na araw at mga buwan.
"Sabi kasi ng boss ko na may business trip siya at kailangan akong sumama sa kanya, itay. Pero nangako naman ang boss ko na may magbabantay parin sayo. Saka nasabi naman sa akin ni kuya Travis na bibisita siya sa inyo palagi."
Nahihirapan man ay iginalaw ni tatay ang ulo nito. Sa ipinapakita nito sa akin ngayon sa akin ay hindi ko mapagsisisihan ngayon ang naging disesyon ko. Na ang pagpasok ko sa kontrata namin ni Mr. Parker ay hindi nasasayang dahil nakikita ko ang paunti unting paggaling ng tatay ko.