TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!
ºººEZEKIEL POVººº
"Kuya Travis." nagulat ako at napaatras pa sa pagbukas ko ng pinto ay bumungad ito sa akin. Nakapagpaalam na ako kay tatay na babalik na sa bahay ng boss ko pero hindi ko akalain na dadalaw din si kuya Travis ngayon.
"EZ."
"K-kuya Travis." tumikhim ako kasunod ng paglunok dahil parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Nag aalala ako na baka malaman niya ang totoong dahilan kaya ako nagtatago ngayon. Hindi kasi siya pumayad na magtrabaho ako at iwan ang tatay. Sabi niya na kung kailangang ilabas lahat ng ipon niya ay gagawin niya para lang di ako lumayo pero hindi ko naman gugustuhing magsakripisyo si kuya Travis para sa amin ni Tatay.
"Kailan ka pa dumating? Kasama mo ba ang boss mo? Gusto ko siyang makausap." magkakasunod na tanong niya. Hinawakan ako sa braso at hinila papasok.
"N-nakapagpaalam na ako kay tatay. S-sa labas na lang tayo mag usap kuya Travis." pigil ko sa paghila nito sa akin papasok. Hindi ko na ulit gustong magpaalam kay tatay baka hindi ko na gugustuhin pang bumalik sa bahay ni Mr. Parker kung makikita ko pa ulit ito.
Nagpahila naman sa akin si kuya Travis ng ako na ang humila sa kanya.
"Ikaw na muna ang bahala kay tatay habang wala ako kuya Travis."
"Hindi mo ba siya mabibisita gaya ngayon? Wala bang day off na binigay ang boss mo sayo?"
Umiling ako. "Nagbigay siya sa akin ng dayoff pero ako na ang tumanggi kuya Travis dahil gusto kong makabayad agad sa kanya. Siguro hanggang siyam o sampung buwan ay makakabayad na ako ng tuluyan sa kanila." sagot ko naman dito. Hindi man totoo ang sinabi ko na may dayoff ako pero totoo naman ang siyam o sampung buwan akong mananatili kay Mr. Parker kung may laman na ba ang tiyan ko.
"Perp hindi mo ba naisip ang tatay mo?"
"Kaya nga ako pumasok at tinanggap ang trabahong inalok sa akin ng boss ko dahil iyon kay tatay. Maintindihan mo sana kuya Travis. Ang lahat ng ito at ang lahat ng mga ginagawa ko ngayon ay para sa kanya. Para tuluyang na siyang gumaling at makapagbagong buhay kami ng tatay kapag nakabayad ako ng utang sa boss ko." Mahaba kong paliwanag na naman dito. Kung ito lang siguro ang masusunod ay hindi talaga ito papayag na magtrabaho ako at lumayo kay tatay.
"EZ."
"Kuya Travis. Nakikiusap ako na sana sa mga panahong wala ako sa tabi ng tatay ay ikaw na muna ang bahala sa kanya."
Napansin ko ang pagpapakawala ni kuya Travis ng malalim na paghinga na ngayon ay nakatitig sa akin.
"What about your phone? Hindi na kita nakontak simula ng umalis ka. Mabuti at natyempuhan kita dito ngayon."
"Ahh! Sa phone ko. n-nauna ko kasing naibenta iyon bago ako inalok ng boss ko ng trabaho. Kaya wala ang phone ko ngayon. Baka sakali na makabili ako at tatawag na lang ako kapag mayroon na akong bagong cellphone kuya Travis."
"Hayst. tsk. Ano pa nga ba ang magagawa ko ngayon. Kahit ayaw kong pumayag ay hindi ko na mababago ang pasya mo. Mag ingat ka na lang sa trabaho mo. At tawagan mo ako kapag nakabili ka na ng bago, okay."
Tumango ako. Hindi ko na pinatagal ang naging usapan namin at maayos na akong nagpaalam kay Kuya Travis.
Bagtas ko ang daan palabas ng hospital. Tinungo ang paradahan ng tricycle pero bago pa man ako makarating ng paradahan ay may magarang sasakyan ng tumigil sa harapan ko.
ººº
"You.." napapikit ako at napayuko ng makita kong tinaas nito ang kamay. Hinintayan ko na lang talaga ang pagdapo ng palad niya sa akin kung may balak man ako nitong saktan dahil sa ginawa kong pag alis kanina. "Ugh! Damn it." kahit na natatakot na ako dito ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang marahas na pinakawalan nitong paghinga.
Mabagal ang ginawa kong pagmulat ng mga mata ko saka ako tumingin sa kanya.
"Akala ko ba malinaw na sa usapan natin at pinirmahan mong kontrata ang mga pwede at sa hindi mo pwedeng gawin? Binasa mo ba ang nakalagda duon at nakikinig sa mga sinasabi ko o sadyang hindi mo siniseryuso ang kontrata natin." Galit na sumbat nito sa akin. Ang kamay kanina na nakataas ay nakababa na at kuyom ang kamao na nanginginig sa pinipigilan pang galit sa akin.
"H-hindi ko naman nais na suwayin nag usapan natin at ang kontrata. Sadya lamang na gusto ko lang makita ang tatay kahit man lang sa huling pagkakataon dahil siyam na buwan ko siyang hindi makikita kung nagdadalangtao na ako ngayon." Paliwanag ko parin kahit na nilabag ko nga ang nakasulat sa kontrata namin. Wala naman talaga akong balak sumuway pero papalagpasin ko ba ang pagkakataong iyon?
Nagpakawala na naman siya ng buntong hininga.
"Okay. Fine." Nagtatagis ang bagang niyang seryusong nakatingin sa akin. "Palalampasin ko ang araw na ito sa pagsuway mo sa kasunduan natin. Pero ayaw ko ng maulit pa ulit ito. Tandaan mo. Nakasalalay ang buhay ng tatay mo sa kung paano ka sumunod sa kontrata natin. Hindi kita pinilit sa bagay na ito dahil ikaw mismo ang lumapit sa akin. Kaya alam mo kung ano ang tamang gawin sa pagkakataong ito." Patuloy sa panunumbat at pagpapaalala nito sa akin.
Akin na lang ang pagtango at hindi na ako nagsalita pa para ipagtanggol ang sarili ko. Tama naman ito. Hindi naman niya ako pinilit na pasukin ang kontrata namin dahil binigyan naman niya ako ng pagkakataong mag isip. Kaya ang tanging magagawa ko na lang sa ngayon ay ang sumunod sa nilagdaan kong kontrata at magtiis hanggang dumating ang takdang araw na matapos ang kontrata namin.
ºººDRAKE POV:ººº
Wala naman akong balak dapuan ito ng kamay para saktan. Hindi ko lang talaga napigilan ang magalit dahil ang akala ko ay tuluyan na itong umalis at nagbago na ang isip.
Ngayon pa na naghihintay na lang ako ng araw para malaman kung namunga na ba ang naipunla ko sa kanya.
Abala pa naman ako kanina sa kompanya pero tumawag sa akin si Wilma na nawawala daw siya kaya naman naiwan sa ere ang lahat ng trabaho ko sa kompanya dahil agad ko itong hinanap.
Tinatawagan ko pa siya kanina pero hindi man lang niya sinagot sa isa sa mga tawag ko sa kanya kaya mas nakaramdam ako ng galit na may kasamang pag aalala na din dahil naisip ko na mailalayo niya ang magiging anak namin ng asawa ko sakaling buntis na nga siya.
Mabuti na lang talaga at may contact ako sa hospital kaya nalaman ko na nandoon siya kaya agad akong sumunod sa kanya.
Tama namang palabas na siya kanina ng dumating ako kaya agad ko siyang naiuwi. At ngayon..
Ugh! Damn it. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"Magpahinga ka na muna. Magpapahanda ako ng makakain para sayo." Utos ko dito bago ako mabilisang tumalikod.
Tinungo ko ang kusina kung saan si Wilma.
"Sir." Nakayuko ito na agad tumayo. Hindi ko naman ito sinisisi sa kapabayaan niyang makalayo si Mr. Castillo.
"Sa susunod bantayan mo siya ng maayos."
"Yes, sir. Pasensya na po talaga kayo."
"Yeah! Basta hindi na ito mauulit pa." Muli itong sumagot. "Ipaghanda mo siya ng makakain niya."
"Yes, sir." Agad itong tumalima.
Tinunhi ko naman ang sala at doon na ako naghintay na maipaghanda si Mr. Castillo ng makakain niya.
Aalis din sana ako agad ngayong nahanap at naibalik ko na siya dito pero gusto ko pa itong paalalalahan ulit maaya pagkatapos niyang kumain.
Itatanim ko sa isipan niya na ang karapatan niya ay nasa akin na ang pagpapasya dahil sa pinirmahan niyang kontrata.
Dapat lang na sumunod siya sa lahat dahil siya ang nagpasya na lumapit sa akin. Kahit na inalok ko siya ng offer ko ay siya parin ang magpapasya kung papayag siya o hindi kaya wala na siyang karapatang magpasya sa buhay niya ngayon hanggang sa matapos ang naitakdang araw sa kasulatang nilagdaan niya.
○○○
Tahimik lang ito na hindi halos ginalaw ang mga pagkaing inihanda sa kanya ni Wilma. Hindi na din ito tumingin sa akin mula kanina.
"Hindi mo ba gusto anh inihanda sayo ni Wilma?" Tanong ko para lang magising ito sa kung saan lumipad ang isip niya. "Kung hindi mo nagustuhan sabihin mo kung anong gusto mo g kainin. Hindi iyong pipilitin mong kainin ang ayaw mo." Naiirita ko pang sabi dito dahil hindi naman masama ang mga pagkain na inihanda ni Wilma dahil tinikman ko na muna iyon bago iyon inihain sa kanya.
"H-hindi naman sa ganun. M-may iniisip lang ako." sagot niya na halata namang hindi iyon ang dahilan kaya hindi niya ginagalaw ang pagkain. "K-kakain na ako." kuway sabi din niya. Mabagal man ang naging kilos ng mga kamay niya sa pagsubo ay naging natural na lang iyon makalipas ang ilang sandali.
Naging maayos naman ang pagkain niya hanggang sa naubos na nga niya iyong lahat pagkaing inihanda ni Wilma. Nawala na din ang pagkairita kahit papaano.
"Ngayong tapos ka ng kumain muli kitang paalalahanan. Sinabi ko sayo na bawat galaw mo ngayon ay nakadipende sa akin. Ang pagtawag sa kapamilya mo at pag alis para puntahan sila ay ang unang bagay na ayaw kong masuway. Tandaan mo iyan. Pwede kang lumabas pero hanggang sa bakuran ka lang ng bahay."
Tumango siya habang nakikinig sa akin. Hindi ako magsasawang ipaalala dito ang mga bagay na nakalahad sa kontrata naming dalawa para mapanatili ko lang ang lihim na ito para sa amin. Kami lang ang nakakaalam. Ako, ang asawa ko, siya at ang doctor na itinalaga ko para sa kanya. At pati na din si WIlma at ang dalawang guard na pinagkatiwalaan kong magbantay sa kanya ngayon. Kahit ang mga kaibigan ko ay hindi ko na din ulit sinabihan tungkol sa mga plano ko kaya alam kong hindi nila tatanungin kung bakit biglang nagbuntis si Mateldi. Sasabihin ko na lang na isa iyong malaking himala.
Hindi naman masama ang plano ko. Ginagawa ko lang ito para tuluyang mabuo ang pamilya namin ni Matilde. Ako, si Matilde at ang magiging anak namin dalawa.
"Alam ko. Hindi ko na ulit iyon gagawin." Mahina na tunong sagot niya.
"Mabuti na iyong mas naiintindihan mo ang lahat para hindi tayo pareho mahirapan. Habang dinadala mo ang magiging anak namin ng asawa ko ay mananatili ka dito. Maibibigay lahat ng pangangailangan mo. Maliban sa pagcontact sa mga pamilya mo ay magagawa mo ang lahat dito sa loob ng bahay. Magiging malaya ka lang at makikita mo na ang tatay mo kapag naisilang mo na ang bata."
Muli siyang tumango. Kahit na paulit ulit at isa isahin kong ipaalala sa kanya iyon ay hindi ako magsasawa. Ipapaalala ko sa kanya na ako ang mayhawak lahat ng karapatan niya dahil sa pinirmahan niyang kontrata.
ºººEZEKIEL POV:ººº
Napaatras ako ng pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang sopistikadang babae. Maganda at matangkad. Napatingala pa nga ako dito dahil halos kasing tangkad ito ni Mr. Parker.
"So, it's you." taas pa ang isang kilay nito na tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Kahit na hindi naging maganda sa paningin ko ang ginawa nitong pagtingin sa akin at hindi naman ako nakapagsalita para sitahin dito dahil sa tindig pa lang nito at pananalita ay parang alam ko na kung sino ito.
At hindi na nga kailangang maghinala kung sino ito dahil sa likuran nito ay lumapit si Mr. Parker saka umakbay dito.
"I told you to wait for me." Nasa tinig ni Mr. Parker ang kagaanan na hindi ko minsan narinig kapag ako ag kausap nito.
Hindi ko naman iyon aasahan na ganun ang pakikipag usap nito sa akin kundi nakakapanibago lang dahil ang lambing ng boses nito habang kausap ang asawa.
"Gusto ko lang makita ang binayaran mo." At malaking kaibahan ang ugali ng mag asawa.
Totoo ngang seryusong makipag usap sa akin si Mr. Parker pero hindi ko naramdaman doon ang pagpapababa niya kahit na binayaran lang ako kaya ako nandito pero sa asawa nito ay sa salita at tingin na lang ay hindi maipagkakailang mapagmaliit ito.
Hindi na din naman bago iyon sa mga mayayaman. Halos lahat naman ay mapagmaliit sa mga mahihirap na tao. At doon ko ihahalintulad ang asawa ni Mr. Parker.
"Well, hindi na masama. He is not a beauty after all." Sabi pa nito na muli akong tinignan mula ulo hanggang paa bago bumaling kay Mr. Parker. "Lets go. Ayaw kong magtagal sa lugar na ito." aya niya pagkatapos ng ilang sigundong pagkakatitig nila at nauna na ngang lumabas.
"Lets go." Si Mr. Parker na niluwangan pa ang pinto at pinalalabas na ako at ito na mismo ang humila sa pinto at sumunod na sa amin.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan naming tatlo ng nasa loob na kami ng sasakyan ni Mr. Parker at bagtas na ang daang patungo ng hospital.
ººº
Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko habang naghihintay kami sa resulta kung buntis na nga ba ako. Mas mabilis daw kasing malalaman kung dugo ang kukunin kaya naman iyon ang hinihintay namin ngayon.
Halos isang oras din ang ipinaghintay naming ng dumating ang doctor galing ng laboratory at dala na nga mismo ang resulta.
"Anong resulta doc?" agad na tanong ni Mr. Parker ng makalapit ang doctor sa amin. Naupo muna ito at tumingin sa kanilang mag asawa bago naman tumingin sa akin. Tinignan ang hawak na papel at ibinigay iyon kay Mr. Parker.
"Congratulation Mr. & Mrs. Parker. He is 8 days pregnant." sabi ng doctor bago pa man mabasa ni Mr. Parker ang resulta sa papel na ibinigay na doctor.
Habang ako naman ay parang bulkang sumabog sa tainga ko ng marinig iyon. Hindi ako magsisinungaling pero minsan ipinagdasal ko na sana hindi magbunga ang nangyari sa amin ni Mr. Parker at maputol na agad ang kontrata namin. Pero...
Ano ba ang bago? Diba iyon naman ang hinihintay namin. Ang tuluyang malaman na nagdadalang tao na ako sa magiging anak nila ng asawa nito. Iyon ang dahilan kaya ako nandito ngayon.
Tahimik na lamang akong nakamasid sa mag asawa na ngayon ay hindi matatawaran ang ngiti sa kanilang mga labi.
Mr. Parker kiss and hug his wife lovingly. Hindi maitatago ang saya nila habang ako ay tahimik lang at hindi alam ang dapat maging reaksyon ko.
Matutuwa na rin ba ako? Matutuwa ba ako dahil may bata na sa sinapupunan ko?
No! Wala dapat akong ikatuwa dahil wala akong karapatan sa dinadala ko. Dahil simula ng permahan ko ang kasulatang pinagawa ni Mr. Parker ay naibenta ko na ang karapatang iyon.
"That's good to hear doc." Si Mr. Parker na nasa tuno ng boses ang kasiyahan. Bahagya itong tumingin sa akin. Hindi ko nakikitaan ng ibang emosyon maliban sa tuwa at pasasalamat na dinadala ko ang magiging anak nila ng asawa niya.
"Bibigyan ko na lang ng bitamina sa ngayon si Mr. Castillo. After a month bumalik kayo para sa paunang check up sa kanila." Ang doctor. Neresetahan ako ng bitamina at sinabihan na din sa dapat at hindi ko na dapat gawin habang nagdadalang tao ako. Lalo na sa stage ko ngayon na maari pa daw akong makunan sa semple lamang galaw o pagkakabagsak.
"Salamat doc. Makakaasa kayo na aalagaan namin siya." Si Mrs. Parker na nakangiti din pero hindi maitatagong kaplastikan lang ang nakita ko ng tumingin ito sa akin. Isang mapagmaliit na ngiting napaskil sa mga labi at may talim ng pagkakatingin.
Hindi ko na lang iyon papansinin. Basta hindi ako maagrabyado habang dinadala ko ang magiging anak nila ay susunod na lang ako sa lahat ng sasabihin at gusto ni Mr. Parker para sa ikakatahimik ng buhay ko sa loob ng siyam na buwan sa kanila.