Makalipas ang 5 buwan.............. AIDEN ALDER Point of View Mas excited pa ata ako sa buntis kong asawa para sa check-up niya ngayon. Well, from the start ako naman talaga ang nagpapalala sa kanya ng kanyang check-up. Katulad ng umpisa ay minsan pahirapan pa kaming dalawa. Masyado kasi siyang tulugin at mas naging bugnutin. Madalas akong inaaway kahit wala naman dahilan. Trip niya lang talaga. Mas nahihirapan pa ako dahil, hindi ko kasama si mom na pwedeng makipag-usap ng mahinahon kay Bria. Sabi nga ni mom, intindihin ko lang. At iyon nga ang ginagawa ko kahit hindi na talaga ako makapag timpi. Kailangan ko pa talagang tawagan si mom dahil sa pagiging pasaway ni Bria. Pero kapag sinabi ko na tatawagan ko si mom ay nag-iiba na ang aura nito. Talagang pinahihirapan niya ako. Ewan ko