AIDEN ALDER Point of View Naikot ko na ata ang buong floor dahil sa kakalakad ko sa harap ng delivery room. Hindi talaga ako mapakali gayong alam ko na nasa operating si Bria, risking her life para sa aming mga anak. Ang energy level ko ay punong-puno pa rin dahil sa excitement. "Congratulation, Mr. Alder. Naging succesful ang operation at walang naging problema. Kailangan lang ng ilang oras na pamamalagi ni Bria sa recovery room bago ibalik sa private room. Yung mga babies mo, pwede mo na rin silipin sa NICU." "Thank you dok. Thank you so much." "Trabaho ko ito. Ang dapat mong mapasalamatan yung asawa mo dahil matatag siya." Nakalma na ako ng malaman ko sa doktor na ayos na ang lahat. Tinawagan ko na sila mom and dad sa magandang balita at tuwang-tuwa ang mga ito. I-video calll ko r