Ilang araw pa lang nawawala ang mga anak ni Lara ay talaga namang miss na miss na niya ang mga ito. Hindi siya sanay na tahimik ang buong bahay. Matapos mananghalian dahil wala na namang gagawin at nakaligo na siya ay bumalik na lamang siya sa kaniyang silid para manood ng palabas sa telebisyon, matagal na rin niyang hindi nagagawa ang ganun dahil lagi siyang abala sa mga bata at trabaho. Nalibang siya sa panonood ng noon time show, ngunit makalipas ang kalahating oras ay nakaramdam na siya ng antok. Pinilit niyang ipagpatuloy ang panonood kaya lang ay talagang bumibigay na ang kaniyang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng antok. Ginawang makatakas ni Draco sa kaniyang mga kapatid. Pagkatapos na magkayayaang mag-lunch sa paborito nilang restaurant ay iniwan na niya ang mga it

