Maaga pa ay nagtungo na sa supermarket si Lara para mamili ng kanilang mga supplies sa bahay. Araw ng Sabado ngayon at wala siyang pasok sa trabaho. Medyo naparami ang pinamili niya. Nilagay niya sa compartment ng kaniyang kotse ang iba ngunit hindi lahat ay nagkasya kaya ang mga natitirang grocery bag ay ipinasok na lamang niya sa back seat. Wala ang dalawang bata kasama ng kanilang mga yaya, kagabi pa sila sinundo ni Lorena at Beatriz, nagpunta ang mga ito sa Japan. Apat na araw rin sila roon kaya maaga pa lang ay ipinaalam na niya ang mga anak sa kanilang teacher na hindi muna makakapasok ng ilang araw. Nang makauwi sa bahay ay inayos na niya ang mga pinamili. Nilagay ang mga frozen food sa freezer at ang mga groceries ay sa pantry. Halos isang oras din ang ginugol niya sa pag-salansa

