Seven years later "Thanks, Dad! I love you sooo much..." Pinupog ng halik ni Briella ang pisngi ng ama na si Draco bago ito bumaba ng sasakyan. Binuksan naman ni Draco ang bintana ng kotse. "Be a good girl, baby. Mom will pick you up later, don't go anywhere after school, okay?" bilin nito sa bunsong anak. "Copy, Dad!" sagot ni Briella, kumaway ito sa ama at nag flying kiss pa bago tuluyang pumasok sa school gate. Nakasanayan ng tuwing araw ng lunes hanggang biyernes ay hinahatid muna ni Draco ang bunsong anak sa eskwelahan bago siya pumasok sa trabaho. Si Briella ay sampung taong gulang na at kasalukuyang grade 5 student sa pomosong paaralan ng George Harris International School. Daddy's girl si Briella, kung nasaan si Draco ay naroon din siya. Namana niya ang galing ng ama sa pa

