Chapter 110- Busilak na Puso*

2511 Words

Tuwing araw ng Linggo ay hindi pumapasok sa trabaho si Draco. Inilalaan niya ang araw na iyon para kaniyang pamilya. Nang sumapit ang hapon ay nag-swimming ang mag a-ama sa pool. Panay ang tili ni Briella, dahil hindi siya tinatantanan ng kaniyang mga kuya. Panay ang saboy ng mga ito ng tubig sa kaniya. Si Lara naman kasama si Lileth at Lorna na abala sa pag iihaw ng barbecue. Dumating si Elena na may bitbit na isang bilaong biko. Niluto niya para merienda ng mga bata. Nang makita ng mga ito ang dala ng kanilang lola ay agad na nag unahan ang mga itong umahon sa tubig. "Ako muna, 'di ba ladies first," sabi ni Briella na hinawi ang dalawang kapatid. "Oo na... sige na mauna ka na bansot!" sabi ni Cloud. "Mommy, oh... si Kuya Cloud, tinawag na naman akong bansot!" pagsusumbong ni Briella

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD