Ang naudlot na bakasyon nila Draco at Lara sa Hawaii ay natuloy na rin sa wakas. Isang linggo silang maglalagi roon. Simula nang maging maayos na sa kanila ang lahat ay naging mas lalong malapit ang puso nila sa dagat. Nang makarating sa lugar na kanilang destinasyon ay may naka-reserve ng villa para sa kanila. "Wow! Ang ganda talaga, para tayong nasa paraiso!" bulalas ni Lara, habang nakasilip sa labas ng salaming bintana at pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar. Nakita niya ang kulay berdeng paligid, ang maputing buhangin at ang payapang dagat. Ipinasok ni Draco ang mga dala nilang maleta sa loob ng silid. Apat ang kwarto sa villa na iyon. Malaki ang bahay at kumpleto sa mga kasangkapan. "You like it?" tanong ni Draco kay Lara, lumapit ito sa nobya, inakbayan ito at nakisali na rin

