"Halika may pupuntahan tayo," sabi ni Draco, hinawakan nito ang kanang kamay ni Lara at lumakad ang dalawa patungong elevator. Kasalukuyan silang nasa opisina nito sa Frio Architectural Firm. "Saan tayo pupunta?" naguguluhan na tanong ni Lara. "You will know later," nakangiting sabi nito. Pinindot nito ang buton patungo sa rooftop ng building. Napatanong tuloy si Lara kung ano ang gagawin nila sa tuktok ng mataas na building na iyon? May naghihintay sa kanila na guwardiya sa taas ito ang nagbukas ng pinto para makalabas sila sa rooftop. Napasinghap si Lara at yumakap kay Draco, sumiksik siya sa dibdib nito. Napakalakas ng hangin dala ng helicopter na nakadaong sa helipad. Ang elisi niyon ay napakaingay at walang tigil sa pag ikot. "Halika na, sumakay na tayo," aya sa kaniya ni Dr

