Chapter 99- Sawing Pag ibig*

1658 Words

Nasa isang event sina Greg at Lara. Imbitado ang kompanya nila dahil sila ang supplier nito. Royal blue spaghetti strap dress na may slit na lagpas ng tuhod ang suot niya. Hapit na hapit iyon kaya naman bakat na bakat ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Proud si Greg na si Lara ang kasama, tinitingnan sila ng may paghanga ng karamihan ng pumasok sila sa loob ng building. Tapos na ang pag-cut ng ribbon ng sila ay dumating. Napaismid si Laureen nang makita si Lara. Ang akala pa naman niya ay siya na ang pinakamaganda sa okasyon na iyon. Nang dumating si Lara ay naitsapwera na naman siya. Tanggapin man niya o hindi ay natalbugan na naman siya nito. Nagmistulang stalker siya ni Lara ng mga oras na iyon. Tinitingnan niya ang bawat kilos nito at sinusundan niya kung saan ito pumupunta.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD