"Siya ba ang kapatid mo?" mahinang tanong sa akin ni Cora nang dalawin nito sa hospital si Ate Letty. Marahan akong tumango at yumuko sa harapan nito. Nandito ngayon si Cora upang tumulong sa kapatid ko. "Wa-Bernard, kasama mo na pala ang asawa mo," ani Tita Lorna sa akin nang lumapit ito. "Cora, siya ang Tita Lorna ko. Siya ang nag-aalaga kay Ate Letty kapag nasa trabaho ako." Pagpapakilala ko dito sa aking tiyahin. "Pasensiya ka na, Cora. Kung nagkakilala tayo sa ganitong sitwasyon. Ikinukuwento sa akin ni Bernard ang tungkol sa iyo, tungkol sa kanyang mabuting asawa." Tumingin sa akin si Tita Lorna ng may pahid na lungkot ang mga mata. "Cora, hindi ka pinagtaksilan ng asawa mo noong panahon na wala siya sa tabi mo. Hindi lang niya alam kung paano bumalik sa iyo dahil wala siyang lak