Chapter 1

955 Words
Namangha ako sa Lauren Academy dahil napakalaki talaga nito. Halatang pangmayayaman lang talaga ang paaralan na ito. Nakakatuwa naman. Buti nalang at mayaman ang nag-ampon sakin. Laking pasasalamat ko talaga sa kanila. Kung hindi sila ang nag-ampon sa akin, hindi ko mararanasan ang mga ganito sa buhay ko. Sa buong buhay ko, lagi akong nagtataka dahil wala pa akong nagiging kaibigan. Kung meron man, mawawala nalang sila na para bang bula. Hindi ko alam kung anong problema. Lahat nalang ginagawa ko para maging mabait sa kanila, maganda naman pakikitungo ko pero bakit ayaw nilang makipagkaibigan sakin? Tanging si mommy at daddy lang ang nakakaintindi sa akin at sila rin ang tinuturing kong mga kaibigan. Tama na nga muna ang drama. Hahanapin ko muna ang naka assign sakin na room para sa First Subject. Cn6 ang class room. Hm san kaya matatagpuan yun? "Miss saan ang Cn6?" Tanong ko dun sa babaeng nakasalubong ko. "Hanapin mo"  Inirapan niya naman ako bigla. Hindi ko nalang pinansin. Sanay na ko sa ganitong treatment. Napabuntong hininga nalang ako. Tinignan ko ang relo ko, may time pa ako para mahanap yung room.  Napatingin ako dun sa isang mataas na building. Buti natanaw ko yung second floor. Nandoon pala ang Cn6 kaya agad naman akong naglakad patungo doon. Malinaw rin ang paningin ko. Nakapagtataka nga e.  Ngayon ko lang napansin na ang aarte at yayabang pala ng mga nandito. Pero okay lang, kakayanin ko naman sigurong makisama sa kanila. Ay hindi nga pala ako nagkakaroon ng kaibigan so hindi ko kailangang makisama sa kanila.  "Good morning class! I'll be your professor in English 1. I'm Keith Bautista. Just call me Sr. Keith." ika ni Sr. Keith  Nginitian ko nalang siya nung napatingin siya sakin dahil wala man lang bumati sa kanya. Ang rude ng mga ugali nila. Sana maturuan sila ng magagandang asal. Bakit ganoon no? Kung sino pang mabait, sila pa yung walang kaibigan. Pero mas okay na yun kaysa magkaroon man, plastic naman. Mahirap na talagang magtiwala sa panahon ngayon.  Maya-maya nag attendance siya at isa't-isang tinawag ang mga pangalan para daw malaman kung tama ba ang pinasukan namin. Pero napansin kong hindi niya ako natawag eh tapos na ang pag-aattendance. Kinabahan tuloy ako. "Uhm Sir, excuse me. You didn't call my name."   Tama naman yung pinasukan kong room ah? Bumilis tuloy tibok ng puso ko dahil sobrang kabado. "What's your name?" Tanong ni Sir Keith. "Michie Candee Cortez"  Yung Candee ko ay binibigkas ng Kandi. "Uhm. As I know, your parents transferred you in Vnight Academy."  "Wow" Bulungan ng mga classmates ko.  "She is so lucky!"  Wait. Ang school na yun ay kakaiba. Hapon hanggang gabi lang ang pasok dun. Sa umaga ay time para magpahinga. Baligtad sa ibang school. Pero pinakasikat na Academy yun sa buong mundo. Kahit sa ibang bansa ay mayroon ding branches ang academy na to. Mayayaman lang din ang pumapasok doon.  At nandoon ang mga heart throb na babae at lalaki. Halos mga famous ang nandoon. Ang alam ko ang qualified lang dun ay mga mapuputi, gwapo at magaganda. Ang height for girls ay 5'6 pataas. Sa boys naman ay 6ft dapat. Buti nalang 5'7 ang height ko :)   Pero kahit na ganoon, ayoko paring pumasok dun kasi ang pagkakaalam ko ay creepy ang Academy na yun! Ano kayang naisipan ng nila mommy at doon ako pinapasok? Sabagay doon sila nagtapos. Maganda siguro talaga ang way ng pagtuturo doon.  "Ah okay sir. I'm sorry I don't know about that. I have to go."  Yung mga tao sa classroom lahat nakatingin sa akin. Kitang kita ang pagkamangha. Sus ayoko dun, gusto nila palit nalang kami eh. So ayun, lumabas na ko ng room. Ano pa nga bang gagawin ko diba? Nakakainis naman kasi. Bakit dun pa? Lalo lang walang makikipag kaibigan sa akin. Sawa na ko sa gantong sitwasyon. Tatawagan ko nalang si Mommy. "Hello Mommy! Pwedi po bang dito nalang ako sa Lauren Academy mag-aral?"  pumayag ka  pumayag ka  pumayag ka "No" What the! Ang saklap naman ng buhay ko. "But why?"   Nakakaiyak naman. Mas gusto ko talaga dito eh! Pwedi pa nga akong maging scholar dito dahil magpapa dean's lister ako. Baka wala nang magawa ang utak ko sa Academy na yun kasi sobrang talino rin ng mga tao doon. Ayokong manliit ang tingin sa akin ng iba.   "Baby gusto ko lang mapag-aral ka sa school na yun. Mas safe ka dun. At I'm sure may magiging friend ka dun. I assure you, doon mo makikilala ang sarili mo. Trust me Michie."  May magagawa pa ba ako? Sobrang down na down na ko ngayong araw. "Okay mommy but paano po ako makakapunta ngayon doon?"   Mamaya pa naman klase dun. 1pm ang pinakamaagang pasok dun tapos inaabot ng 12am yung iba haist. Kakaiba talaga no? Masisira beauty ko dun eh. Lagi akong mapupuyat. "Nandyan ang driver mo. Nasa kanya narin ang schedule mo. Sige baby busy si mommy eh. Bye i love you." "I love you more mommy."  inend niya na yung call. "Hello manong" Nakita ko ng nag-iintay ang driver ko. Inabot niya naman yung paper na naglalaman ng schedule ko. Pero kanina pa ba niya hawak to? Hindi man lang niya sinabi na nasakanya na at wala man lang akong kaalam-alam tungkol dito! Dahil mabait ako, pabayaan na nga lang. M.W.F  1:00 - 2:00pm (Philosopy 1)  2:30 - 3:30pm (Math 1)  3:30 -5:00pm (English 1)  5:00 - 6:00pm (Management 101) T.Th  1:00 - 2:30pm (Filipino 1)  2:30 - 4:00pm (Natural Science 1A)  6:00 - 7:30pm (Laboratory) 7 subjects lang ako haha. Ano ang course na kinuha ko? Business Management. Gusto kong yumaman gamit ang pagsisikap ko eh. Para ako naman ang makatulong kila Mommy! Yun ang alam nilang gusto kong kunin kaya siguro eto na agad ang schedule ko. Tumambay muna ako sa food court ng Robinson. 2 hours pa bago mag 1 pm eh. Tapos walang uniform ang college dun. Pero dapat lahat laging nakablack. Since nakapink ako, bumili ako ng masusuot ko. Bakit kasi black pa. Masyadong maarte ang Academy na yun kainis! Yung totoo? Nagluluksa ba ang mga estudyante doon?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD