"Hindi ako tanggap ng Mommy mo, Devin . Hindi talaga dapat natuloy ang kasal na 'to dahil may isang tao na nasasaktan at tumututol," reklamo ni Farrah habang nagsusuklay ng kanyang buhok. Naghahanda na kami para umalis ngunit na-badtrip siya kay Mommy dahil harap-harapan na naman silang ininsulto na mag-ina. "Konting tiis na lang, sweetheart. Aalis din tayo rito. Hindi habangbuhay na pakikisamahan mo ang Mommy ko at makikinig sa mga pang-iinsulto niya. Just give me sometime, okay?" "Sana kasi hindi mo na lang ako pinakasalan. Sinuportahan mo na lang sana ang anak natin at ang Lucia na 'yon ang pinakasalan mo para wala ng gulo. Para tumigil na ang Mommy mo sa kakainsulto sa amin ng Nanay mo!" galit na sabi ni Farrah sa akin habang nagsusuklay pa rin ng kanyang buhok. Masama ang tingin n