Kabanata 34: Kasamang aabutin ang kanyang mga pangarap (Devin's POV)

1675 Words

Hindi ako sumabay kina Mommy at Daddy na maghapunan. Nagkulong ako sa aking kwarto hangga't hindi umaalis ang mag-ina na bisita nila. Mabuti na lang at pag-akyat ko sa kwarto ko ay hindi na ako pinigilan ni Mommy. Narinig ko na lang na sinabi niya sa mga bisita na pagod lang ako sa trabaho kaya mainit ang aking ulo. Umiling na lang ako nang marinig ko ito sa kanya. Pinapaasa lang niya ang mag-ina, kung ako sa kanya sabihan na lang niya ang kaibigan niya na hindi na tuloy ang kasal at huwag na silang umasa. Mas magandang ganito na lang ang sasabihin niya kaysa umaasa ang dalawang babae na matutuloy ang napag-usapan nila noon. Kung bakit naman kasi umaasa sila sa kasunduang iyon na pwede naman baliin lalo na at ayaw ko. Sabagay, prinangka ko naman si Mommy kanina na kahit ano'ng gawin nilang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD