"Mom, how many times do I have to tell you that I won't marry that woman?" I said in gritted teeth while holding my phone. Tinatawagan ako ni Mommy ng ilang beses kanina pa. Ngayon ko lang ito sinagot dahil naririndi na rin ako. Gusto ko ngang i-off na lang sana ang cellphone ko ngunit nakokonsensya naman ako dahil hindi nila ako pinalaking ganito. Hindi ako lumaking bastos at sa tuwina ay sunud-sunuran ako sa gusto ni Mommy. Ngayon lang talaga ako susuway dahil iba ang gusto ng puso ko. "You know you can't say no to this marriage, Devin. Matagal na namin itong itinakda ni Lucy kaya wala kang magagawa kundi sumunod. Bata pa lang kayo ni Lucia ay kayo na ang gusto naming magkatuluyan." Malumanay ang boses ni Mommy na nagsasalita ngunit naroon ang gigil at diin. Galit siya alam ko pero hind