Gabi na nang dumating ako ng mansion, galing ako sa field trip namin sa Ilocos Norte. Nakakapagod pero worth it naman ang mga lugar na aming pinuntahan. Wala pa si Senyorito Devin dito sa mansion ayon sa narinig ko kay Ate Mizty. Napadaan kasi ako sa kusina para magpakita kay Nanay na narito sa kusina at nagluluto. Para alam niya na dumating na ako dahil nga hindi ako nakapag-text dahil sa lowbat ang cellphone ko. Plano ko kapag natapos kaming mag-usap ni Nanay ay saka ako babalik ng aking kwarto. Subalit natigilan ako nang marinig kong wala pa si Senyorito Devin at kanina pa naghihintay ang mga bisita sa sala. Sa likod ako dumaan kaya hindi ko nakita kung sino ang bisitang naghihintay sa kanya. Hindi naman siguro sina Sir Blue at Sir Storm o kaya naman ay isa sa iba pa niyang kaibigan n