Tumitingin ako ng teddy bear dito sa mall kasama si Blue at Hellione Storm. Napadaan lang kami rito actually to have a coffee bago umuwi sa kanya-kanya naming ruta. Tapos heto hindi namin napigilan na mamili lalo na at napadaan kami sa mga nagbebenta ng stuff toys. Kaagad akong pumasok sa store ng stuff toys nang maalala ko ang aking mahal. Favorite niya ang teddy bear at halos lahat ng nasa kwarto niya ay ako ang may bigay. "Hindi ko alam kung mahilig si Alessandria sa stuff toys pero may nakita ako sa kwarto nila ni Daddy na isang hello t**i," ani ni Blue habang namimili sa mga stuff toys na panay pusa at kulay pink. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hello t**i? May stuff toys bang gano'n? "f**k you, Blue! It's Hello Kitty not hello t**i," ani ni Storm na tawang-tawa habang ako nama