Bumaba kami ni Ate Alessandria sa baba para bumili ng cake na ipinagmamalaki niya sa akin na masarap. Malapit lang daw sa building na pag-aari ng kanyang asawa ang cake shop at gusto niyang ipatakim sa akin kung gaano kasarap ang cake na benta roon. Ayaw kasi nito sa dessert na binili ni Sir Blue dahil sawa na raw ito sa leche plan. Sabi ni Ate Alessandria mas masarap daw kasing panghimagas iyong cake na binebenta sa tabi ng building nila at kakaiba ang texture ng cake kapag ito ay inilagay sa bibig. Kusang matutunaw ang cake sa loob ng bibig na talaga nga naman daw babalik-balikan mo dahil sa sarap. At dahil mahilig din ako sa matatamis at curious ako sa cake, sumama ako sa kanya para matikman ang pinagmamalaki niyang cake. At heto nga, narito na kami at hindi ko mapigilan ang mapapikit