"f**k! Wala na bang ibibilis 'tong eroplano, Zeke?" nanggagalaiti kong sabi habang hindi ko mapigilan ang galit na namumuo sa aking dibdib. Kanina pa ako palakad-lakad habang siya naman ay kampanteng nakaupo ng pa-dekwatro habang may tangan na kopita ng alak sa kanyang kanang kamay. Buti pa siya, pa-chill chill lang, samantalang ako, heto at hindi na mapakali na tumapak na ng Pilipinas. "Ito na ang pinakamabilis na speed ng eroplano, pare. Wala ka bang tiwala kay Erwin, makakarating tayo ng mas maaga kaya relax lang. Relax ka lang, makakarating din tayo ng Pilipinas," saad ni Zeke at pagkatapos ay tinungga na niya ang laman ng kanyang kopita. Napalatak naman ako sabay pabagsak na naupo sa upuan ng eroplano at sinabunutan ang sarili kong buhok. "Damn! Paano ako magre-relax kung hindi k