Suot ko ang isang simpleng bestida na off-shoulder ang tabas sa itaas at fitted naman ang tabas pababa. Tapos ang suot ko sa paa ay ang sapatos na napili kong simple ang disenyo at plain ang kulay. Bagay na bagay sa akin ang damit lalo na at ang pumili nito ay ang ina ni Devin. Isa ang mga ito sa napakaraming pinamili ni Senyora Venice sa akin nang lumabas kami nang nakaraan nina Devin para mag-shopping. Tinaggihan ko nga ang mga bigay ng matanda dahil halos tabunan niya ako ng paper bags sa dami ng pinamili niyang mga damit. Maging ang alahas na ginto na may disenyong beads na suot ko ay bigay din niya. May katerno itong gold na bracelet at hikaw ngunit mas gusto kong kwintas lang ang aking isuot. Suhestiyon niya ito sa totoo lang, isuot ko raw ito dahil may pupuntahan kami ngayong hapon