"Ara naman. Hindi maaaring hindi malaman ni Senyorito Devin ang ginawa sa iyo ng dalawang bruhang 'yon. Hahayaan mo na lang ba na basta-basta na lang na ganyanin ka na lang nila?" Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Ate Mizty. Hindi ito palalampasin ni Devin kapag nalaman niya. Ang sa akin lang kasi, ayaw ko na muli silang magkagulo na mag-ina at magkasakitan ng damdamin. Alam ko kung paano sagutin ni Devin ang kanyang ina at kung paano niya ako ipagtanggol dito. Alam kong masakit ito para kay Senyora Venice lalo na at mas pinili ako ni Devin kaysa sa kanya. Alam kong mas madadagdagan na naman ang muhi sa akin ni Senyora Venice kapag nalaman niyang nagsumbong ako kay Devin. Mas lalong hindi niya ako magugustuhan para sa kanyang anak. Kung tinanggap na lang sana niya ako sa pamilya nila at s