"Huwagggggg! Huwagggggg ang anak ko!" Mula sa masamang panaginip ay nagising ako. Umiiyak na sinapo ko ang mukha ko habang si Devin naman ay mabilis na hinila ako palapit sa kanyang katawan at niyakap ako. "Hush now, sweetheart. Nananaginip ka lang," alo ni Devin sa akin habang haplos niya ang ulo ko at hinahalik-halikan ako rito. "S-salamat sa Diyos, a-akala ko totoo na," ani ko na halos sumigok na ako sa pag-iyak. Umiyak ako nang umiyak sa dibdib ni Devin hanggang sa makalma ako at tumigil sa pag-iyak. Hinayaan naman ako ni Devin at hinintay na maging kalmado ako bago kausapin. "Ano na naman ba'ng napanaginipan mo, sweetheart? Bakit napapadalas yata na ganyan ka?" masuyong tanong ni Devin. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Wala naman siyang magawa kundi aluin ako. "Si Mommy na n