"Devin, don't do this to me!" sigaw ni Lucia habang kinakaladkad siya palabas ng dalawang guard na nakahawak sa kanyang magkabilang braso. Nagbingi-bingihan naman ako at hindi siya pinansin. Lumalaban siya sa mga nakahawak sa kanya at gusto talagang makawala para makalapit sa akin. "Devin, my love. I love you, please…leave that gold digger alone and let's get married. Tuparin mo na ang ipinangako ni Mommy Venice sa akin," ani niya pa habang pilit pa ring umaalpas sa mga nakahawak sa kanya. Napailing ako. Baliw na yata ang isang ito. Kasal na nga ako, paano pa mangyayari ang nais niya? Putragis! Bagay nga silang magbiyenan ni Mommy, parehong mga baliw. Imbes na sagutin ko siya ay ang security team ko ang hinarap ko. "Ilabas na ninyo iyan at huwag na huwag na ninyong papasukin dito kahit