Papunta kami ni Farrah sa mall para bumili ng mga groceries. Kasama namin si Beth na siyang tagatulak ng stroller ni Harvey. Bibili kami ng mga needs ni Harvey tulad ng diaper, wipes, gatas at kung ano-ano pa na nilista pa kagabi ni Farrah para hindi raw namin makalimutan. "Sa tingin mo, niligtas ba talaga ng Mommy mo sa mga oras na 'yon si Harvey?" untag ni Farrah habang magkaupo kami rito sa gitna at nakatanaw sa labas ng sasakyan. Nakasandal ang katawan niya sa akin habang ang mga braso ko naman ay nakapahinga sa kanyang baywang. "I don't know, sweetheart…" maikli kong sagot habang bumubuntonghininga. Kagabi pa niya ito tinatanong at hindi ko naman alam ang isasagot ko. Sana nga ganoon nga ang gustong mangyari ni Mommy. Matutuwa ako kung ganoon nga. Sa wakas ay nagkwento rin si Farra