Tahimik lang kami habang pauwi kami ng mansion ni Ate Beth. Habang ang mag-ina na sina Senyora Venice at Devin ay kanina pa nagtatalo. Dito nila sa loob ng sasakyan tinuloy ang away nila kanina sa restaurant. Nakakahiya kanina sa restaurant na kinainan namin sa totoo lang dahil lahat halos ng mga taong naroon ay nanonood sa kanilang away. Kung hindi pa ako pumagitna sa kanila ay hindi pa sila tatahimik at mare-realize na nakakakuha na sila ng atensyon. Pinapaliwanag ni Senyora Venice ang side niya sa kanyang anak ngunit ayaw itong paniwalaan ng asawa ko. Ayaw ko rin maniwala ngunit parang nakikita ko naman na totoo ang sinasabi ng matanda. "I didn't plan all of this. Sina Lucy at Lucia ang may plano na kidnap-in ang anak niyo at ako ang ituturong salarin pagkatapos," ani ni Senyora Ven