AGATHA "Anong ibig sabihin nito? Sino kayo?!" malakas at magkasunod na tanong ko sa mga lalaking nagdala sa akin dito sa loob ng isang magarang bahay. "Maupo muna po kayo, ma'am," magalang na sabi sa akin ng isang lalaki. Siya ang humatak sa akin palabas ng sasakyan. Ang natatandaan ko, traffic sa daan, tapos bigla na lang nagkaroon ng kaguluhan. Nakita kong may bumasag sa salamin ng kotse ni Theresa at sapilitan na hinatak siya palabas. Sumigaw ako at akmang lalabas para pigilan ang naka-maskarang lalaking kumuha sa kapatid ko, pero nagkagulo na. Mabilis ang mga pangyayari, segundo lang ang lumipas, na buksan ang pintuang katabi ko at pagkatapos ay may humawak sa braso ko at sinabing, utos ng boss nila na sumama ako sa kanila. Ang akala ko, isa siya sa mga tauhan ni Draven. Iyon k