AGATHA Hawak kamay at magkasabay kaming bumaba ni Draven para kumain. Hindi pa rin daw siya naghahapunan kaya tama lang na samahan niya ako at sabayan mag-dinner. "Good evening, Ma'am Agatha. Paghahanda ko na po ba kayo ng dinner?" magalang na tanong ni Sonia sa akin. Ngumiti ako sa kanya at sinabing para sa aming mag-asawa ang ihanda niya. Nasanay na kasi siyang para sa akin lang, pero iba ngayon na narito at dumating ang asawa ko. "Sige po," nakayukong sagot ni Sonia na para bang takot mag-angat ng mukha at makita ang asawa ko. Marahil nakilala niya kung sino si Draven. Kung siya na ngayon ang bagong pinuno ng council at Magna El Cajon, siguradong marami sa mga tauhan niya at sakop na mga organisasyon ang iginagalang siya. Sanay na ako sa ganito, hindi na ako nagtataka at nagtano