AGATHA "Ang ganda naman dito." Hindi ko napigilang sabihin nang makapasok kami ni Draven sa loob ng malaking yate. "Enjoy, hon," nakangiting sabi ng asawa ko habang nakatayo ako sa gitna at pinagmamasdan ang kabuuan ng magarang sasakyan pang dagat na sinakyan ni Draven papunta dito sa islang pag-aari ni Tito Sabby sa La Union. Sinundan ko ng tingin ang asawa ko. Pumasok siya sa isang maliit na pintuan at pagkatapos ay bumalik na may dalang juice at nasa plastic bottle na tubig. "Have some," sabi ni Draven matapos magsalin ng juice sa transparent na baso at inabot sa akin. "Magtatagal ba tayo dito?" Naisipan kong itanong kay Draven. Baka kasi mag-alala at hanapin ako ng mga kasama ko sa bahay. Siguradong magkakagulo sila sa beach house, lalo na kapag nalaman ni Tito Sabby na bigla n