AGATHA Habang kausap ko si Draven at Mr. Madrigal, biglang dumating si Drake na inutusan ng asawa ko na ihanda ang mga tauhan nila. Ginawa niya ang utos ng ama kanina para sa paghihiganti nila at pagsugod sa kota ni Zi. Alam kong hindi mapapa-lagpas ng pamilya Madrigal ang nangyayari ngayon, dahil sa pagpapatay ni Zi sa pinuno ng angkan nila at sa tangkang pagpatay kay Mommy Liegh sa mismong silid niya. "Nakahanda na ang lahat," madilim ang mukha na sabi agad ni Drake nang lumapit sa amin. "Let's go, Drake," sabi ng asawa ko sa kapatid. "Maiwan ka dito, dad. Hindi natin p'wedeng iwan na mag-isa si mommy na kasama lang ang mga tauhan natin. Wala tayong p'wedeng pagkatiwalaan sa ngayon sa mga taong nasa paligid natin," bilin ni Draven sa kaharap na ama. Bumaling ang tingin sa akin ng