DRAVEN "Boss, wala po akong kinalaman sa nangyari kay Ma'am Agatha," duguan ang mukha na paliwanag ni Brady, habang nakaluhod sa harap ko. Nakadapa sa sahig at nakabantay si Bogart sa akin na ibigay ko sa kanya si Brady. Nakikita at alam kong nakakaramdam nang takot ang kanang kamay ko, dahil sa marahas na trato ko sa kanya, habang paulit-ulit na tinanong siya sa mga nangyari kanina. Nakaposas ang mga kamay ni Brady sa likuran niya. Nagmamakaawa sa akin na pakinggan at paniwalaan ko siya at paulit-ulit na ini-insist na wala umano siyang kasalanan. "Trust me, boss. Tapat po ako sa iyo at tungkulin ko. Kahit patayin mo ako, nagsasabi po ako ng totoo," pakiusap ni Brady na namimilipit sa sakit ng muli kong hinampas ng mahabang kadenang hawak ko sa kan'yang likuran. Nag-aapoy sa galit na