AGATHA Kanina pa nasa akin ang atensyon ng kapatid ko at alam kong pinag-aaralan ni Theresa ang bawat kilos ko. In my peripheral vision, hindi nakaligtas sa mga mata ko na pinagmamasdan niya ako, pero hindi naman nagtatanong kung bakit naghintay siya ng matagal sa sala. "Ang lakas mo naman yatang kumain ngayon, Agatha. Baka lumobo ka nang husto n'yan," puna ng kapatid ko habang kasabay naming kumakain ng almusal. "It's alright, she's pregnant with twins, kaya dapat lang na kumain siya ng marami," agad na sagot ni Draven. Hindi naman kasi ako gaya ni Theresa na kahit buntis na eh, iniisip pa rin ang pagiging modelo niya. Normal na tao lang ako, hindi katulad ng kapatid ko na rumarampa at may modeling career na iniingatan. Hindi na nagsalita pa si Theresa hanggang matapos kaming kuma