Kahit subukan ko, hindi siya titigil lalo na at tila ba sobrang gigil siya sa mga labi ko at ayaw niyang tigilan, hanggang sa pareho na kaming muntik ng hindi makahinga. Malakas na singhap ang kumawala sa labi ko ng bumaba ang mainit na labi niya sa leeg ko. Malinaw na naramdaman ko kung paano sinipsip ni Mr. Madrigal ang balat ko. Pakiramdam ko, sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tìbok nito habang naghahabol ako ng hininga. Hindi ko maipaliwanag ang emosyon na nararamdaman ko sa nangyayari ngayon. Para bang hindi nag-pa-function ang matinong bahagi ng isip ko. Kahit alam kong mali na ang lahat sa pagitan naming dalawa ay naging mahina ako at hinayaan lamang siyang gawin ang gusto niya. Si Mr. Madrigal ang kauna-unahang lalaking humalik sa akin at nakakita ng hubad na katawan ko, t

