"Excuse me po. Lalabas muna ako," kinakabahan na paalam ko at hindi nag-abalang mag-angat ng mukha dahil natatakot akong makita ang ekspresyon sa mga mata ni Mr. Madrigal dahil sa ginawa ko. "Sure, hon," tila malambing ang tinig na narinig kong sagot ni Draven sa akin. "I'm Drake, kapatid nitong baliw na mapapangasawa mo at hindi ka man lang ipinakilala sa akin," napa-iling na sabi naman ni Drake kaya tipid na ngumiti ako sa kanya, dahil nag-aalangan ako, lalo na ang awkward na sitwasyon ko. Narinig ko pa na sinabi ni Drake na napaka-mahiyain ko raw bago sumara ang pintuan ng lumabas ako. Kahit sino namang nasa sitwasyon ko ay baka mamatay na dahil sa tensyon at labis na kahihiyan dahil sa nangyari kanina. Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na humarap sa bisita na walang suot na kahit

