AGATHA Malakas na tunog ng dumating na chopper ang gumising sa akin. Hindi ko alam kung sino ang sakay nito, pero nakaramdam ako ng excitement at hindi ko mapigilan ang malakas na kabog ng dibdib ko. Dahan-dahan na bumangon ako at bumaba sa kama. Pakiramdam ko kasi ay kailangan ko na namang gumamit ng toilet. Recently kasi, palagi akong naiihi. Sabi naman ng doktor ko ay normal lang ang ganito, dahil malaki na ang mga bata sa loob ng tiyan ko. Matapos gumamit ng banyo at mag-mumog ay lumabas ako. Laking gulat ko ng nadatnan kong nakatayo ang isang bulto, malapit sa pintuan, pero kahit malamlam ang liwanag ng ilaw ay sigurado akong siya ang asawa ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon dito mismo sa loob ng silid ko si Draven. Alam kong anytime ay p'wedeng darating siya dahil alam